Decade 70

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

Dekada ’70 ni: Lualhati T. Bautista:

Dekada ’70 ni: Lualhati T. Bautista Pangkat 3 IV-4

Lualhati T. Bautista:

Lualhati T. Bautista

Talambuhay ng May-akda:

Talambuhay ng May-akda Buong Pangalan: Lualhati Torres Bautista Kapanganakan: Disyembre 2, 1946 sa Sta. Ana, Tondo, Maynila Magulang: Esteban Bautista at Gloria Torres Paaralang Pinasukan: Emilio Jacinto Elementary School (1958), Torres High School (1962), Lyceum of the Philippines ( journalism , 1964) Siya ay nanungkulan bilang pangalawang pangulo ng Screenwriters Guild of the Philippines , naging pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular at miyembro ng Concerned Artists of the Philippines, Children's Literature Association of the Philippines, at Women Involved in Creating Cultural Alternatives (WICCA) .

Talambuhay ng May-akda:

Talambuhay ng May-akda Siya ang nagsulat ng nobelang Dekada ’70 na ginawang isang pelikula noong taong 2003 . Ang kwentong ito ay nagpapakita ng sitwasyon ng mga gitnang uri ng pamilya noong dekada ’70, noong panahong ni Marcos. Sa nobela, lahat ng mga pangyayari ay nasaksihan ng isang babaeng tauhan na si Amanda Bartolome na ina ng limang lalaki. Dito, makikita natin ang pagiging isang peministang manunulat . Ilan din sa kanyang mga sikat na mga akda ay ang “ Sakada ”, “ Gapo ” (1980) at ang mga “award winning screenplays” niyang “ Bulaklak sa City Jail ” at “ Kung Mahawi Man ang Ulap ” noong 1984, at “ Sex Object ” noong 1985.

PowerPoint Presentation:

Mga Parangal na Kanyang Natanggap: -Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay) -Film Academy Awards (best story-best screenplay) -Star Awards (finalist for best screenplay) -FAMAS (finalist for best screenplay) -URIAN awards. -Carlos Palanca Memorial Awards for Literature: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (first prize, 1982); Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (third prize, 1983) -Catholic Mass Media Awards (best drama story): Daga sa Timba ng Tubig (1975); Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987) -Ateneo Library of Women’s Writings (March 10, 2004) Talambuhay ng May-akda

Talambuhay ng May-akda:

Talambuhay ng May-akda Samantala, nakuha niya ang ideya ng pagsusulat ng nobelang “ Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?” sa buong buhay niyang pagiging isang babae. Noon pa man ay mayroon nang “ double standard morality ” sa mundo. Sinabi niya na noong maliit pa lamang siya, kapag ang isang batang lalaki ay tatalon sa ibabaw ng isang paso ay ayos lamang sa mga tao. Ngunit kapag siya ang gumagawa nito, sinasabihan siya ng “Babae ka tapos ginagawa mo yan!”. Napansin rin niyang ang mga binata ay hinahayaang manligaw sa mga babae ngunit kapag isang babae ang nangligaw sa lalaki, kung anu-anong bagay na sinasabi ng mga tao tungkol dito.

Talambuhay ng May-akda:

Talambuhay ng May-akda Isinulat niya ang nobelang “Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?” dahil nais niyang makita ng mundo na pantay lamang lahat ng tao. Hindi dapat natin tinitignan ang kasarian ng isang tao sa paghusga dito. Isinulat niya ang nobela dahil ninais niyang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Kung hindi niya isinulat ang nobela, hindi mamumulat ang mata ng mga tao sa mga pagkakamali nila. Ang nobela ring ito ang nagtataguyod ng karapatan ng mga babae bilang isang mamamayan ng ating bayan. Hindi lamang tayo tagapag-alaga ng ating pamilya! Tao rin tayo na may karapatan at higit sa lahat may pakiramdam.

Ismong Pampanitikan:

Ismong Pampanitikan Feminismo Machismo Realismo Humanismo Sosyo-Historikal Marxismo

Gamit ng Wika:

Gamit ng Wika Pambansa Pampanitikan Pabalbal Pangdayuhan

authorStream Live Help