Imperyo

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

MGA IMPERYO NG KANLURANG ASYA : 

MGA IMPERYO NG KANLURANG ASYA

Sumer : 

Ang kabuhayan ng mga sumeriano ay nanggagaling sa agrikultura. Sentro ng mga pamayanan sa Sumer ang templo. Sa kanila din nanggaling ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos. Nagmula din sa kanila ang kaalaman tungkol pagbabago ng panahon, klima, hangin, at posisyon ng daigdig at mga bituin, mga bagay na naging daan sa pagkaimbento ng kalendaryo. Sumer

Slide 3: 

Naimbento rin nila ang wind mill,panggiling ng butil, at potter’s wheel. Malaki ang ginampanan ng mga templo sa pagkakaimbento ng mga bagay na ito sapagkat sa relihiyon umiikot ang buhay ng mga sumeriano.

Fenisyano : 

Ang mga Fenisyano ay magagaling na mangangalakal at manglalayag. Nakipagkalakalan sila sa iba’t ibang lugar at nagpalaganap din sila ng kabihasnan sa buong rehiyong mediteranyo kaya’t tinawag silang “Tagapagpalaganap ng Sibilisasyon.” Fenisyano

Slide 5: 

At ang kanilang pinakamahalagang kontribusyon ay ang kanilang alpabeto na mula sa alpabetong Proto-Kanaanito (matandang Fenisyano) na naging batayan ng lahat ng baybayin mula Meditarenyo (Griyego, Latin, at Rusco) hanggang India bagama’t maaari ring nagmula ang Brahmi sa sulat Mohenjo Daro.

Hebreo : 

Ang mga Hebreo ay sinasabing nagmula sa Disyertong Arabiano at nagsagawa ng migrasyon sa Babilonya, sa gitnang bahagi ng Syria at sa Kanaan. Ang mga kuwento sa Bibliya tungkol sa migrasyon ng mga Hebreo sa pamumuno ng kanilang patriarkang si Abraham ay sinasapantahang may basehan sa kasaysayan. Ang Exodo ang paglisan ng mga Hebreo sa Ehipto sa pamumuno ni Moses. Hebreo

Slide 7: 

Matapos ang Exodo ay itinayo ng mga Hebreo ang Kaharian ng Israel. Sa mga Hebreo nanggaling ang Lumang Tipan. Sa kanila rin nanggaling ang monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos.Ang kani- lang relihiyo nnaman na Hudaismo ang naging basehan ng relihiyong Kristiyano at Islam.

Babilonya : 

Si Hammurabi ang pinakatanyag na pinuno ng Babilonya. Ang pagpapahalaga niya sa buhay at pag-aari ng kanyang mga nasasakupan ay nasalamin sa Kodigo ni Hammurabi na kinapapalooban ng mga batas alinsunod sa prinsipyong Latin ng lex talionis o batas ng katapat/kaparehong ganti. Babilonya

Slide 9: 

Sa Kodigong ito nagmula ang malaking bahagi ng kaalaman ukol sa lipunan ng Matandang Babilonya. Makikita rin dito ang malaking halimbawa ng wikang Akkadiano. Bukod dito sa Babilonya rin nanggaling ang pagkakaroon ng kontrata.

Assyriano : 

Itinuturing na pinakamalupit na naging Sibilisasyon sa mundo ang mga Assyriano. Ang mga Assyriano rin ay isang makapangyarihang sibilisasyon. Dahil makapangyarihan ang kanilang imperyo ay maraming imperyo ang napasailalim at nasakop nila. Assyriano

Slide 11: 

Masasabing malupit sila sapagkat ang mga pag-aalsa ay pinipigilan nila sa pamamagitan ng terrorismo at dahil din dito nanatili ang katahimikan, pagkakaisa, at kasaganaan sa nasasakupan nila. Ang isa sa mga naituro ng mga Assyriano ay ang Imperialismo o pananakop para pakinabangan ang bansang nasakop.

Hittito : 

Ang mga Hittito ay grupong Indo-Europeo na nagtatag ng kaharian sa Asia Minor. Nakasalalay ang kanilang kabuhayan sa agrikultura ngunit nagbigay yaman at kapangyarihan sa mga Hittito ang kanilang paglinang sa yamang metal ng Asia Minor. Hittito

Slide 13: 

Mayroon silang lihim na teknika ng paggamit ng bakal sa mahabang panahon. Ang mga nabuong sandata ay ginamit nila sa pakikidigma. Naimbento rin nila ang karwahe o chariot na ginamit din sa pakikidigma.

Persiano : 

Tinatawag ding Archaemenid ang mga Persiano. Ang imperyong ito ang unang imperyong tunay na napakalawak ang teritoryo. Si Cyrus ang Dakila ay isa sa mga naging pinuno ng Archaemid na sumakop sa maraming imperyo. Ang Imperyong Persiano ay tumagal ng mahigit na 200 taon dahil sa kahusayan ng mga unang pinunong Persiano sa pagtatatag ng mga impras- traktura sa pangangasiwa sa pamahalaan. Persiano

Slide 15: 

Nagkaroon ang Archaemenid ng magagaling na pinuno na pinaparaanan ang mga problema sa imperyo. Ngunit natalo ang mga Persiano laban sa hukbo ni Alejandro ang Dakila sa pamumuno ni Dario III at ito ang naging simula ng pagsailalimng Imperyong Archaemenid sa Imperyong Helenistiko.

Ang Wakas : 

Prepared by: Ramuel Pujalte Ang Wakas

authorStream Live Help