aer

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

Slide 3:

- Isang English naturalist na nakapagpatunay ng Teorya ng Ebolusyon.

Slide 5:

Isinasaad ng teoryang ito na ang buhay sa daigdig ay nagmula sa simpleng selyula. Mula rito, iba’t ibang anyo ng buhay (life forms) ay nagbao at dumami sa iba’t ibang kaparaanan sa paglipas ng panahon.

Slide 6:

Sa ibang salita, ang mga simpleng organismo ay nagbigay-daan sa paglitaw ng iba’t ibang uri ng higit na masalimuot na organismo makaraan ang libo o milyong taon na pagbabago o ebolusyon. Halimbawa, ang tao at ang gorilya ay sinasabi ng mga siyentipiko na nagmula sa iisang ninuno. Isa ngang inaatupag ng mga siyentista ang pagtuklas sa ninunong ito gayundin ang mga pagbabago nito hanggang sa maging modernong tao.

Slide 7:

Unang lumabas ang paniniwala ukol sa ebolusyon sa librong isinulat ni Charles Darwin noong 1859 na may pamagat na On The Origin of Species by Means of Natural Selection . Naging mabilis ang pagsikat ng teoryang ebolusyon dahil sa magandang pagbabalangkas at kapani-paniwalang datos. Maraming siyentista ang nahikayat sa pag-aaral ni Darwin kaya tinanggap ito bilang isang mahalagang teorya ukol sa pinagmulan ng tao.

Slide 8:

Ayon kay Darwin, nagbabago ang isang organismo sa pamamagitan ng isang proseso ng natural selection. Kailangan ng organismo ang mga katangiang kapaki-pakinabang upang manatiling buhay at makapagparami. Iyon lamang mga organismong may ganitong katangian ang nanatiling buhay habang iyong wala nito ang namamatay at hindi na nakakapagparami. Ganito ang sinasabing natural selection.

Slide 9:

Ang teorya sa ebolusyon ni Darwin ay ginamit sa ibang larangan ng pag-aaral. Kaugnay ng ebolusyon ng tao at ng kanyang pamumuhay, ginamit din ito sa pag-unlad na pangkultura o pangkabihasnan. Bukod sa pagbabagong pisikal, kailangan ding umangkop ang mga unang tao sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kaalaman at kasangkapan na makakatulong sa pananatiling buhay, sa pagpaparami ng kanilang uri (species), at sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Kabilang dito ang pagtuklas at paggamit ng mga kagamitang bato noong unang panahon at ang pagtuklas ng bagong teknolohiya at sistema ng pakikipag-ugnayan sa kalikasan at sa kapwa tao. Ito naman ang tinaguriang ebolusyong pangkultura ng tao.

Slide 12:

- Tinatayang nabuhay mula 5.3 hanggang 1.6 milyong taon na ang nakaraan. - Ayon sa mga siyentistang naghiwalay ito sa landas ng ebolusyon at ang ninuno ng gorilya mula sa kanilang iisang pinagmulan may 8 milyong taon na ang nakararaan.

Slide 13:

- Higit na malaki ang bungo nito bilang lalagyan ng utak kaysa sa bungo ng modernong gorilya—mula 430 hanggang 500 cc. Gayunman, higit na maliit pa rin ito kung ihahambing sa bungo ng modernong tao na umaabot hanggang 1450 cc.

Slide 14:

- Taong gumagamit ng kasangkapan. Tinatawag ding “handy man” dahil sa paniniwalang kahusayan sa paggawa ng mga kagamitang yari sa bato.

Slide 15:

- Nabuhay sa pagitan ng 1.5 hanggang 2.5 milyong taon na ang nakalipas. - Gaya na lamang ng Australopithecus, natatagpuan din ang mga labi nito sa Aprika.

Slide 16:

- Humigit-kumulang 500-800 cc ang kapasidad ng bungo nito. Malinaw sa mga labi na paa nito ang lumalakad ito ng patayo. - Natuklasan din mula sa labi ng mga kamay nito na kaya niyang pagalawin ang mga kamay para sa paggalaw ng mga bagay.

Slide 17:

- Sinusugan pa ito ng pagtuklas ng mga kasangkapang bato na nagpapatunay na kaya na nitong humawak at gumawa ng ganitong mga kasangkapan.

Slide 18:

(Taong Tuwid)

Slide 19:

- Nabuhay naman ng 1.6 hanggang 250 000 taon na ang nakalipas. - Una itong tinawag na erectus dahil ito ang naunang natuklasan na nakatitindig sa dalawang paa kaysa sa Australopithecus at Homo habilis.

Slide 20:

- Natuklasan itong laganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo. May mga labi na natuklasan sa Algeria, Morocco, Tanzania, at Kenya sa Aprika, gayundin sa Germany, Hungary, Greece, at France sa Europa. - Nasa pagitan ng 750 hanggang 1 250 cc ang kapasidad ng bungo nito. Makapal ang buto sa ibabaw ng dalawang mata nito at halos padapa ang noo at paurong ang baba.

Slide 21:

(Taong Nag-iisip) Tanging nabubuhay na hominid ngayon sa anyo ng modernong tao.

Slide 22:

- Ipinapalagay na nagsimula itong lumitaw mula 250 000 hanggang 100 000taon na ang nakararaan - Nasa pagitan ng 1 000 hanggang 2 000 cc. ang kapasidad ng bungo nito. Patayo ang noo nito, hindi tulad ng Homo erectus, bilog na ang bungo nito at nakaungos ang baba.

Slide 23:

- Ikinaiba rin ng Homo sapiens sa iba pa ang higit na maunlad na teknolohiya nito sa paggawa at paggamit ng mga kasangkapang bato. Gumagamit na rin ito ng mga sagisag o simbolo sa pagsasalita.

Slide 24:

- Nabuhay naman ng 35 000 hanggang 10 000 taon na ang nakaraan.

Caucasoid:

Caucasoid Mongoloid Negroid Australoid

4 na Lahi ng Tao:

4 na Lahi ng Tao

Slide 29:

Mapuputi hanggang kulay kape ang balat Pahaba ang hugis ng ulo Kulay asul o tsokolate ang mga mata Blonde o mapusyaw ang kulay ng buhok na deretso hanggang maalon Mabuhok o balbon Maninipis ang labi at pangahan ng kanilang mukha

Slide 31:

Manilaw-nilaw ang balat Malalapad ang hugis ng ulo Maitim o minsan ay kulay kape ang buhok na deretso at kakaunti lamang ang kanilang buhok sa katawan. Singkit at kulay kape o tsokolate ang mga mata.

Slide 33:

Kulay-kape o maiitim ang balat Mahahaba ang hugis ng ulo Kulay-kape o itim ang kulay ng buhok na kulot at kakaunti lamang ang buhok sa kanilang katawan Kulay-kape o maitim din ang mata

Australoid people:

Australoid people

Austarloid:

Austarloid Peoples of Proto Australoid stock -with Siamoid civilization seemed to have dark brown skin - India, Sri Lanka, Siam, Southeast Asia, Malaysia, Indonesia, Papua, Aborigines in Australia and Islanders in Pacific Ocean. From the region, not known as Siam at that time, people migrated further to China, Tibet, Mongolia, Korea, Japan, Siberia, north/central/south America. On the other hand, Proto Australoid people from Siamoid land migrated back through the same route with new starting journey at the Middle East and further to Europe. However, the original Negroids chose to remain in Africa and migrated further within that continent. The studies and research based on geography, topography, as well as art have found the factors on migration were: (1) condensed population (2) scarcity of food and living conditions, (3) climate change (4) quarrel and fight (5) epidemic disease (6) ambition on better future.

Re- Created By: Aeron John Soqueña:

Re- Created By: Aeron John Soqueña

authorStream Live Help