langis at mga pananim

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

my project in A.P.

Comments

Presentation Transcript

Langis at mga pananim:

LURISA NATIONAL HIGH SCHOOL SAMAY GINGOOG CITY (S.Y2011-2012) project in a.p Submitted by : rinalyn daya Sunmitted to : mrs. Norebel balagulan Langis at mga pananim

Ang langis:

Ang langis ay isang sustansyang kimikal na nasa katayuang malapot na likido (" malangis ") sa temperaturang pang- silid o mas mainit ng kaunti , at parehong hidropobiko ( inmissible o hindi mahalo sa tubig ) at lipopiliko ( missible o nahahalo sa ibang mga langis , sa literal). Kabilang sa pangkalahatang kahulugan na ito ang mga kompuwestong uri na may ibang hindi kaugnay na mga kimikal na kayarian , katangian at gamit , kabilang ang langis ng gulay , petrokimikang mga langis , at pabagu-bagong mga mahahalagang langis . Hindi polar na sustansya ang langis . Sa kolokyal na gamit , maaaring tumukoy din ang katawagang langis sa petrolyo . Ang langis

Mga dapat bantayan:

Motorsiklo man o kotse ang gamit mo , malaking sakit ng ulo ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo . At kahit na wala kang sariling sasakyan , alam mong apektado ka pa rin dahil hindi maiiwasang gumamit ng pampublikong transportasyon para makarating sa iyong destinasyon . Kung motorista ka , madalas mo sigurong itanong sa sarili mo : “ Kailan kaya ako pupunta sa gas station para magpakarga ?” At kung commuter ka naman , “ Kailan kaya tataas ang pamasahe ?” Para naman sa maraming naghihirap na may- bahay , “ Paano na ako makapagluluto kapag naubos na ang LPG ko ?” Mga dapat bantayan

Mga dapat gawin:

Para sa mga nasa kapangyarihan , hindi na raw maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo , pati na ang pamasahe sa iba’t ibang porma ng pampublikong transportasyon . Sa ilalim ng deregulasyon , nasa kamay na kasi ng mga kompanya ng langis ang pagtatakda ng sisingilin sa mga nais bumili ng mga produkto nila . Ito raw kasi ang esensya ng malayang kompetisyon – malayang makakapili ang publiko kung saan nila nais bumili . May sapat na dahilan para batikusin ang mga kompanya ng langis , lalo na’t hindi malinaw na sinasabi ang mga batayan ng pagbabago sa presyo ng mga produkto nito . Kapansin-pansin ang mabilis na pagtataas ng presyo tuwing napapabalita ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan (world market). Pero mas halata ang mabagal na pagbababa ng presyo kapag bumababa naman ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan . Madalas na nagtatago sa mga teknikal na termino ang mga opisyal ng mga kompanya ng langis sa kanilang paliwanag sa taumbayan . Mga dapat gawin

Ang pamahalaan at ang langis:

Kontento na ang mga opisyal ng gobyernong manawagan sa mga kompanyang maging mas makatao sa kanilang pagnenegosyo . Napabalitang bukas si Pangulong Noynoy Aquino, halimbawa , na gawing buwanan ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo . Siguro’y may iba pang mapanlikhang maiisip ang pamahalaan para daw hindi masyadong maramdaman ng mamamayan ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan . Pero anumang panukala o pakiusap ang gawin ng pamahalaan sa mga kompanya ng langis , nakasisiguro lang tayo sa isang bagay : Hindi ibabasura ng pamahalaan ang Republic Act No. 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998. Patuloy kasing naniniwala ang mga nasa kapangyarihan na ang deregulasyon ay nakabubuti sa ekonomiya ng bansa . Ang pamahalaan at ang langis

PowerPoint Presentation:

Paano naman ang nakararaming mahihirap na apektado ng nagtataasang presyo ? Sa konteksto ng deregulasyon , nangingibabaw ang subhetibong pananaw na makikinabang ang mamamayan kapag dumami na ang mga kompanyang nagbebenta ng mga parehong produkto . Magreresulta daw kasi ito ng pababaan ng presyo . Opo , subhetibo ang ganitong pagsusuri dahil patuloy na umaasa ang mga naniniwala sa deregulasyon sa “ kabutihan ” ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay pataasin ang kita nila . At sa kaso ng downstream oil industry, kailangang tandaang ang mga produktong ibinebenta sa industriyang ito’y kakaiba . Ang gasolina , diesel, kerosene, LPG at iba pang produktong petrolyo ay sinasabing demand inelastic dahil patuloy na bibilhin ang mga ito dahil wala namang iba pang mapagpipilian ang mga tao . Para sa mga drayber ng dyip at taksi , kailangang pumunta sa gas station para magpakarga dahil hindi sila makakabiyahe kung walang diesel o gasolina ang sasakyan nila . Gayundin ang kaso sa mga may- bahay na kailangang bumili ng LPG para makapagluto . Sa madaling salita , kahit na patuloy na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ay hindi mawawalan ng kostumer ang mga kompanya ng langis

PowerPoint Presentation:

Mahigit isang dekada na ang nakaraan mula nang ipatupad ang deregulasyon . Malinaw ang ebidensiya ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo . Parating argumento ng pamahalaan at ng mga kompanya ng langis na labas sa kanilang kontrol ang nangyayari sa pandaigdigang pamilihan . Pero kahit na totoong may pagtaas ng krudo sa kaso ng mga miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), posible namang magkaroon ng iba pang mapanlikhang paraan para makakuha ng krudo o refined petroleum products, lalo na sa mga bansang hindi miyembro ng OPEC. Sa ilalim ng deregulasyon , hinahayaan ang mga kompanya ng langis na umangkat ng krudo o refined petroleum products ayon sa kanilang nais na supplier. Walang kontrol ang anumang ahensiya ng pamahalaan sa pag-aangkat , kaya hindi napipili ang mga produktong pinakamurang maibebenta sa mamamayan .

PowerPoint Presentation:

Anong klaseng pamahalaan ang hahayaan ang ganitong sistema ? Simple lang po ang sagot : May malaking pakinabang din po kasi ang pamahalaan sa ilalim ng kasalukuyang kalakaran sa downstream oil industry. Ano ang epekto ng pagtaas ng langis dagdag gastos para sa mnga nagmamayari ng mga sasakyan na ginagamitan nito . nagiging dahilan ng paghina ng ekunomya ng bansa

PowerPoint Presentation:

Ang langis ay isang labis na mahalagang mapagkukunan sa mga ekonomiya at lipunan kahit saan . Mayroon nakapalakas na relasyon sa pagitan ng pagtaas ng presyo ng langis at tunay na paglago sa ekonomiya . Kapag ang lipunan ay dumaranas ng isang kaguluhan sa mga suplay ng enerhiya , may potensiyal para sa shock sa mga mahal na konsumpsiyon o mga kalakal ng pamumuhunan na mabigat na nakasalalay sa enerhiya tulad ng mga sasakyang motor at mga makinarya . Ito ay dahil sa ang disrupsiyon sa mga suplay ng enerhiya ay lumilikha ng kawalang katiyakan tungkol sa pagiging magagamit at paparating na mga presyo ng mga suplay na ito . Sa kadalasan , ang mga konsumer ay nagtatangkang mag- antala ng kanilang pagbili ng mga gayong item hanggang sa ang mga ito ay may mas mabuting ideya kung ano ang magiging hitsura pagtapos ng paghinahon ng disrupsiyon . Gayundin , ang pagtaas ng mga presyo ng enerhiya ay nangangahulugang ang isang mas malaking bahagi ng sahod ng konsumer ay kinakailangan upang bumili ng langis , at kaya ay ang kaunti ay magagamit sa pagbili ng ibang mga kalakal . Ang mga pagbabago sa presyo ng langis na parehong pagtaas at pagbagsak ay may labis na makapangyarihang epekto sa mga naglalaang channel.

PowerPoint Presentation:

Pagtaas ng presyo ng langis : kaya bang pigilan ng gobyerno ? Ilang beses na bang tumaas ang presyo ng langis mula noong 1973? Hindi lang nakakapagod na bilangin kung ilan na kundi nakakainis at manggagalaiti tayo sa galit . Ano ba ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis ? Kahit batang nasa elementarya ay alam na kung tataas ang presyo ng langis ay magsi-taasan din ang mga presyo ng iba’t-ibang bilihin dahil ayon sa mga negosyante , “ direkta at indirekta ay ginagamitan ito ng langis ”. Alam din ng mga konsumador na sa atin ipinapasa ng mga negosyante ang pagtaas ng presyo ng bilihin – tayong mga manggagawa at mala- manggagawa sa kanayunan at kalungsuran . Syempre manggalaiti din sa galit ang maliit na mga negosyante dahil hindi na sila makaungos sa mabagsik na kompetisyon ng kapitalismo . Maiinis din ang mga nasa panggitnang uri dahil dagdag gastos sa kanilang mga sasakyan . Sa madaling sabi , malaking mayoriya ng populasyon ang nahihirapan . Subalit , ang mas nahihirapan ay ang masang anakpawis ng lipunan .

PowerPoint Presentation:

Bakit tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ? Una sa lahat , dapat maintindihan na ang mundo ngayon ay kontrolado ng uring kapitalista kung saan ang laging ninanais ay magkamal ng tubo . Pangalawa , lahat ng mga gobyerno sa daigdig ay kontrolado ng at nagsisilbi para sa mapagsamantalang mga uri . Mula pa noong 1973 ay patuloy na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan . Ang mga “ pagbaba ” ng presyo ay nilamon lamang ng ilang dekadang pagtaas ng presyo nito . Mula pa noong huling bahagi ng 1960s ay nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo . Ang pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan ay epekto lamang ng tumitinding krisis ng sistema at hindi simpleng dahil sa pagiging ganid ng uring kapitalista sa tubo . Dahil sa krisis ay mas lalong humina ang kapitalistang produksyon na siyang sentral na pinagkukunan ng tubo ng mga kapitalista . Sapagkat mahirapan ng makakuha ng tubo sa produksyon ay nagkasya na lamang ang mapagsamantalang uri sa ispekulasyon . Ito ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis . Ang pangingibabaw ng ispekulatibong ekonomiya ay manipestasyon ng malubhang krisis ng sistema .

PowerPoint Presentation:

Ikalawang dahilan ay ang kaguluhan ngayon sa Gitnang Silangan . Kaguluhan na hindi kagagawan ng masang anakpawis kundi kagagawan ng inter- imperyalistang digmaan at intra- paksyunal na bangayan ng mga pambansang burgesya na may kanya-kanyang among imperyalistang kapangyarihan . Ikatlong dahilan ay ang pandaigdigang krisis sa utang na sumabog noong 2006-07. Ang lumalaking utang ng kapitalistang mundo mula pa noong 1970s ang mayor na dahilan ng inplasyon o pagtaas ng presyo ng mga bilihin . Samakatuwid , ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang wala ng solusyon na krisis ng pandaigdigang kapitalismo na nagsimulang sumabog noong huling bahagi ng 1960s.

PowerPoint Presentation:

reaction: Ang aking reaksyon sa proyektong ito na ang langis ay isang bahagi na nang buhay nang tao . Dahil karamihan nang mga bagay ay pinapatakbo sa isang langis . Kaya isa rin ito sa mga nagbibigay lalo nang polusyon sa ating bansa . Ang disiplina sa ating saliri na kayang ibalik ang dating buhay nang tao . Sa wala pa gaanong mga bagay na pinapatakbo nang langis . Ay malaking tulong sa ating kapaligiran at sarili.pagmamahal sa kapaligiran ay kailangan .

authorStream Live Help