Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

By: eztirfnevyt (36 month(s) ago)

how can i download this presentation?

Presentation Transcript

Slide1:

Aralin 11 Kapuwa ko Pilipino, Kaagapay ko sa Pag-asenso Maria Ruby De Vera Cas Pasong Buaya II E/S Imus City, Cavite

Slide2:

Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa napakinggang teksto Nasusunod ang napakinggang panuto ng isang gawain 1 Layunin

Slide3:

Pagbabaybay Unang Pagsusulit

Slide4:

Naririto ang ilang salita mula sa kuwentong “ Laki sa Hirap ”. Bago natin pag-usapan ang kuwentong ito , alamin muna natin ang kahulugan ng bawat salita sa pamamagitan ng pag-unawa kung paano ito ginamit sa pangungusap . Isulat ang sagot sa kuwaderno . Tuklasin Mo Paghawan ng Balakid

Slide5:

Masarap ang pagkain sa h apag-kainan kaya dinumog agad ito ng mga bata at naubusan naman ang ibang hindi agad nakapunta sa mesa. 2. Mahirap at salat sa pera sina James, kaya naman naisipan niyang mag-ipon mula sa kaniyang baon upang magkaroon ng puhunan para sa kaniyang pagtitinda ng malamig na inumin tuwing araw na walang pasok sa paaralan .

Slide6:

Ano ang ibig sabihin ng salat ? Hapag-kainan ? Puhunan ? Dinumog ? Gamitin ito sa pangungusap .

Slide7:

Bakit ka pumapasok sa paaralan ? Ano ang ginagawa ninyo tuwing bakasyon ? Sino ang nakaranas na magtinda tuwing Sabado o Linggo o tuwing bakasyon ? Bakit ninyo ito ginagawa ?

Slide8:

Ano ang ginawa ng mag-anak upang makaraos sa suliraning kanilang nararanasan ? Pagganyak na Tanong

Slide9:

Gawin Natin

Slide10:

Bakit “ Laki sa Hirap ” ang pamagat ng kuwento ?

Slide11:

Pagbasa ng Kuwento LAKI SA HIRAP ni Luis Gatmaitan LG & M

Slide12:

LAKI SA HIRAP ni Luis Gatmaitan LG & M

Slide14:

GUSTO KONG MAGREKLAMO sa aking Tatay . Kasi’y mula ng pagkabata , kulang na ako sa maraming bagay sa buhay : magandang damit , masarap na pagkain , at maayos na bahay . Iyong mga damit namin , panay luma . Karamihan dito’y bigay ng mga kamag-anak o kapitbahay na naaawa sa amin .

Slide15:

“ Pangmayaman lng ‘ yung pumipili pa ng damit ,” paalala ni Nanay . Sa pagkain , salat din kami . Kung hindi gulay puro isda naman . Biro ko kay Nanay , “ tutubuan na kami ng kaliskis sa kakakain ng isda !” “ Anak , pinagkakasya lang natin ang suweldo ng inyong Tatay ,” pagpapaunawa ni Nanay . “ At saka , masustansiya naman ang gulay at isda ! Aba , ‘ yan ang kinakain ngayon ng mayayaman !”

Slide16:

Ang dami rin naming magkakapatid . Nandiyan sina Dodong , Jeng-jeng , Klang-klang , at Boom-Boom. Lumalaki ang aming pamilya . Pero hindi naman nadadagdagan ang suweldo ni Tatay . Kakunti na nga ang pagkain , marami pa kaming naghahati-hati sa kakainin . “ Laging nagsasakripisyo ang panganay , “ paalala ni Tatay .

Slide17:

Gusto ko sanang isagot , “ Bakit po kasi kayo nag- anak ng marami ?” Pero hindi na lang ako kumibo . Madalas , nahihiya akong pumasok sa eskuwelahan . Sino bang matutuwa sa kupasing uniporme , lumang sapatos na halos mabutas na ang suwelas , at pinaglumaang bag?

Slide18:

Lagi akong nagkukubli kapag kakain ng baong pang- tanghalian . Hindi ko maipagmalaki ang baon ko : kung hindi nilagang itlog ay tuyo , o galunggong , o talong . Sa ulam pa lang , kitang-kita na ang pagkakaiba ng mayaman sa gaya kong mahirap . “ Uy Millet, nandiyan ka pala ! Halika , sabay tayong kumain . Hati tayo sa ulam ko . Hati rin tayo sa ulam mo,” bati ng isa kong kaklase .

Slide19:

“ Uy Millet, nandiyan ka pala ! Halika , sabay tayong kumain . Hati tayo sa ulam ko . Hati rin tayo sa ulam mo,” bati ng isa kong kaklase .

Slide20:

A, kay hirap maging mahirap . Pilit naming pinagkakasya ang lahat . Ang pagkain namin sa araw-araw ay halos hindi sumasapat . Dumating man ang pasko o bertdey , hindi uso ang bagong sapatos at damit . Hanggang tingin na lang ako sa mga bagay na gusto ko . Paano kaya kami makakaahon sa buhay na mahirap ?

Slide21:

Isang gabi , nilagnat ng mataas si Tatay . Matindi ang kanyang ubo . Ilang araw siyang hindi nakapamasada sa traysikel . Simula noon, hindi na ako nakakita ng isda sa aming hapag . Puro gulay na lang. Naging mas malabnaw rin ang gatas na dinedede ni Baby. Wala na kaming baong pera . Wala na akong maipambili ng project sa eskuwelahan .

Slide22:

“ Kailangan kasi tayong bumili ng gamot para kay Tatay ,” paliwanag ko sa aking mga kapatid . Tumagal pa ng ilang araw ang sakit ni Tatay . Lalong nabawasan ang inihahandang pagkain ni Nanay . Hindi na rin kami nakakapasok sa eskuwelahan kasi’y wala na kaming baon . Nang gabing ‘ yun , narinig kong nag- uusap sina Tatay at Nanay .

Slide23:

“ Pahintuin muna kaya natin sa pag-aaral si Millet?’ sabi ni Nanay . “ Naku , huwag na huwag ! Ipangutang mo muna para may pambaon ”,” sagot ni Tatay . “Hindi siya dapat huminto ng pag-aaral . Hindi siya dapat magaya sa atin . “ Matatag ang tinig ni Tatay . “ Pero marami na tayong utang …” Tutol ni Nanay . “ Basta’t gawan mo ng paraan . Dadagdagan ko pa ang aking sipag ‘ pag gumaling ako . Hindi tayo maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng pag-aaral …”

Slide24:

A, kaya pala pilit nila akong iginagapang sa pag-aaral . Kaya pala sobrang pagtitipid ang ginagawa nila sa araw-araw . May pangarap sila para sa akin. Gusto rin nilang umunlad ang aming buhay . Hindi ko pala dapat ikahiya ang aming kahirapan . Ang mahalaga , may pagkakataon akong makaahon sa buhay-mahirap .

Slide25:

Kinabukasan , tinipon ko ang aking mga kapatid . Sinabi ko sa kanilang kailangan naming tulungan sina Tatay at Nanay para hindi kami mahinto ng pag-aaral . Kung namamasada si Tatay at naglalabada si Nanay , kami naman ay nagtitinda ng Banana Q, turon at samalamig , doon mismo sa harap ng aming munting bahay .

Slide26:

Marunong na akong magluto kasi ako lagi ang nakaalalay kina Nanay at Lola sa kusina . “ Sige , Ate, tulong-tulong tayo !” hiyaw ng mga kapatid ko . “ Ako ang tagabalat ng saging !” prisinta ni Klang-Klang . “ Ako naman ang magduduro ng saging sa stik !” ani Dodong . “At ako ang magpiprito ng turon at banana-Q mga apo ,” sabad ni Lola na nakikinig pala sa aming plano .

Slide27:

Binasag ko ang aking alkansiyang baboy . Binilang ko ang lahat ng mga perang naipon at napamaskuhan ko . Kulang ng konti sa limang daang piso ! Puwede nang puhunan para makabili ng ilang piling na saging , mantika , at asukal na pula.

Slide28:

Nagulat sina Nanay at Tatay nang makitang may nakalagay na isang mesa at isang lumang payong sa harap ng aming bahay . Dinumog ng mga kapitbahay ang aming mga paninda . Lalo akong sinipag . Pagkatapos bawasin ng puhunan , binigyan ko ang pambaon sina Dodong , Jeng-jeng , at Klang-Klang . At nakapagbigay pa kami ng konting pera kay Nanay .

Slide29:

“ Bukas ulit , Ate, magtinda tayo ng banana Q,” hiyaw ni Klang-Klang . “ Dagdagan pa natin ng kamote -Q,” susog ni Dodong . Sumabad si Nanay , “ Papayagan ko kayong magtinda sa hapon basta’t ipangako n’yong hindi n’yo pababayaan ang pag-aaral . Sunod-sunod na tango ang sagot naming magkakapatid .

Slide30:

Nabalitaan ng mga guro ko na nagtitinda kami ng banana-Q, kaya pati sila ay regular nang unoorder sa amin . Minsan nga , ginawa pa akong halimbawa ni Ma’am Tessie Arenas sa klase . “ Itong si Millet, dapat nating pamarisan ….”

Slide31:

Sabi ni Ma’am, hindi puwedeng asahan ang lotto o mga game shows sa TV para umunlad ang aming buhay . Hindi maaaring puro “ abilidad ” lang. Kailangang may pundasyon . At mas may laban daw sa buhay kung nakatapos ng pag-aaral . Laki ako sa hirap . Pero alam kong isang araw , mas bubuti ang lagay ng aming buhay .

Slide32:

Ang sabi , “Hindi kasalanang ipinanganak na mahirap . Pero malaking kasalanan kung mamatay nang mahirap . Kaya heto estudyante ako sa umaga , tapos tindera naman sa hapon . At hinding-hindi ko ikinahihiya ‘ yun .

Slide33:

Sa ngayon , kailangang magtiis ang aming buong pamilya . Sulsihan ang mga lumang damit . Magkasya sa bahay na maliit . Magtipid at mag-impok . Huwag magsimula ng kahit anong bisyo . Magtiyagang mag-aral hanggang sa makatapos . Magkaroon ng disenteng hanapbuhay sa hinaharap . At makatulong din kagaya kong dumadaan sa hirap .

Slide34:

Nangako rin si Tatay na bunso na si Boom-Boom. Hindi na siya masusundan ng isa pang kapatid . “ Pupunta kami ng Nanay mo sa health center at magtatanong kami tungkol sa family planning.”

Slide35:

Hindi nagtagal at muling nagbalik ang lakas ni Tatay . Bukod sa pamamasada , sinimulan na rin niya ang isang maliit na talyer sa aming bakuran . Si Nanay naman , nagsimulang magluto ng all-year round na bibingka at puto-bungbong katabi ng aming banana –Q. Sosyo sila ni Lola.

Slide36:

Ang buhay daw , sabi ni Lola, ay parang gulong . Minsan , ito’y nasailalim , minsa’y nasa ibabaw . Sa ngayon , nasa ilalim ang gulong namin . Pero sa tulong ng aking mga magulang , na nangakong igagapang akong makapagtapos ng pag-aaral , alam kong pasasaan ba’t gugulong din ito … nang paibabaw .

Slide37:

Tama ba ang hula mo na ibinigay ninyo ? Ano ang ginawa ng mag-anak upang makaraos sa suliraning kanilang nararanasan ?

Slide38:

Pangkatang Gawain Pangkat I- Gumawa ng name tag ng mga tauhan sa kuwentong napakinggan Pangkat II – Ilista ang mga suliranin ng bida sa kuwento Pangkat III – Isadula ang ginawa ng bida sa kuwento Pangkat IV – Iguhit ang nangyari sa bida ng kuwento

Slide39:

Pagtatapos Ano naging damdamin mo matapos mapakinggan ang kuwento ?

authorStream Live Help