TSAPBUK

Download as
 PPT
Presentation Description 

Mga tula at awit ng aking puso.

Happy Thanksgiving
What's up on authorSTREAM?
Views: 46
Like it  ( Likes) Dislike it  ( Dislikes)
Added: October 21, 2009 This Presentation is Public 
Presentation Category : Others/ Misc Some rights reserved
Presentation Transcript

Ang Manlilikha TsapBuk :Ang Manlilikha TsapBuk NI PAUL O. PRUEL Pagpalain po tayo ng Panginoon. Hindi po biro ang lumayo sa ating mga pamilya. Hindi rin po madali na labanan ang lungkot. Ang paghahabi o pagsusulat po ng tula ' t kuwento ay nakita ko po na effective way to fight homesickness/homesexness. Sa paraang ito ay nagagawa kong paglaruan ang iba’t-ibang imosyon gamit ang mga salitang tumutumbok sa tunay kong damdamin at diwa. Kahit nasa gitna po ako ng problema, idinadaan ko po iyon sa paghabi ng tula sa ngalan ng pag-ibig.


Ang Makata :Ang Makata Malawak at malalim ang pang-unawaAng pangit ay kaniyang napapagandaNakapagsasalita kahit wala s’yangSinasambit na mga taludtod o kataga Dilim ang kan’yang nakikita 'pag arawSubali’t nasisilaw siya 'pag gabiMga mata’y nakakakita ng mga bagayNa siya lang ang makapaglalarawanTaglay n’ya ang ekstrang pares ng taingaNakaririnig ng kakaibang himigMay ekstra s’yang ilong na nakalalanghapNg ibang baho, bango’t lansa ng buhayMatamis mangusap ang kaniyang pusoSaya’y hatid sa damdaming may siphayoSimbolo’y gamit n’ya, imahi’t katagaNapasasaya ang matamlay na diwaGamit ang papel at ang kan’yang panulatHahagkan n’ya ang buwan at mga bituinNa kumikinang sa kalawakanAt nagsasaboy ng liwanag sa kadilimanNguni’t mga nalikha’y walang kahuluganKung lahat ay tiniklop at ibinaonAng ipinunlang kaisipan sa tao’yMabubura, pati ligaya ng kahapon S’yang Makatang pinagpala ni BathalaNagtatago sa likod ng kan’yang plumaAng bisyo’y paglaruan ang mga salitaUpang damdami'y ipaabot sa kapuwa! Paul Pruel Riyadh, KSA


Pangarap Ko sa Pasko :Pangarap Ko sa Pasko Ako’y gagawa ng kantaIsang awiting kahali-halinaMaituturing na pangmasaMensahe’y pagkakaisaNang maiwasan ang gulo’t pangamba…Pakikiusapan ko ang malambing na hanginSa lahat ng sulok ang awiting ito’y dalhinSa kabundukan, kagubatan at kaparanganSa malawak na lupain, mga ilog, sapa’t karagatanAawitin n’ya bawat nota’y mensahe ng kapayapaan…Mga raliyista aral na matututuhanAng madugong pag-aaklas ay dapat iwasanMga pinuno ng bansa maging tapat sa tungkulinAlagaan ang kaban ng bayanIyon ay para sa bayan at mamamayan…Mga terorista’t mga taong uhaw sa kapangyarihanIwasan ang gulo’t madugong digmaanBuhay ng tao’t ari-arian ay mahalinAng bawat isa’y magmahalanMamuhay nang payapa sa Inang-Tinubuan…Kaya natin ibalik ang mundo sa tunay n’yang gandaKung saan ang mga tao’y payapa’t nagkakaisaMay takot sa Diyos, matatapat at nagmamahalanTunay na paraiso, walang gulo, patayan at hidwaanIto ang hiling ko awit ng kapayapaan…Maligayang pasko sa lahat!!! Paul Pruel Riyadh, KSA


Pilipinas :Pilipinas Kay ganda ng iyong pangalanTawag sa iyo’y Perlas ng SilanganMamahaling hiyas na dapat alagaanIto marahil ang dahilan na ika’y pinagaagawanNg mga banyagang nagmula pa sa malayong bayanNa sumakop at nagpasasa sa iyong bango’t kagandahanHabang ika’y pinahihirapan sumiklab ang himagsikanBuhay at dugo mula sa magigiting mong angkanBumaha’t nalibing sa lupa kapalit ng iyong kalayaanDahil sa kanilang ‘di matatawarang kagitinganNaisulat ang ‘di malilimutang kasaysayanAt ‘yan ay ang pagkakaroon ng sariling kasarinlanPero ngayon ika’y nasasadlak sa kapighatianDala ng nagkakagulong sambayananAng isa’t-isa’y nagsisiraan at nagpapagalinganDati’y maririnig mo’y sigaw laban sa mga dayuhanNgayon mga sigaw ng mga taong-bayanLaban sa kapuwa at sariling angkanPanawagan lang po, mga kabayan at kaibiganIlayo natin si inang-bayan sa kapahamakanLapatan natin ng lunas ang sakit na kanyang nararamdamanIpagkaloob natin sa kanya ang katahimikanPagbuklurin natin ang ‘di magkasundong mamamayanIpaalam natin sa kanila ang katotohananNa ang tunay na solusyon sa problema’y ‘di karahasanAng mapapala nito’y kaguluhang walang katapusanSa bansang Pilipinas, lupang hinirang, na ating kinagisnan Paul Pruel Riyadh, KSA


His Blood Most Precious :His Blood Most Precious I was born as thousand are Where God was never known Taught to pray a useless prayer To blocks, woods and stones. I would confess, I am blind Could not see the truth I am living with lies and illusions! But today a peculiar thing happened I fainted and I started longing for the greatness of redeeming love the love of Christ to me!So, I started my journey to seek the truth I stroke my fingers on the keyboard My computer opened the door for me I paused, asked myself, should I proceed? Or I’d go back and forget it?But my curiosity inspired me to go on I opened the door, got inside, looked hereand there. I kept walking ‘til I reached the place Where the Holy Writ was resting. Happiness filled my heartthe treasure was shining brightly I shouted with joy my haleand hearty arms held it up I kissed it with compassion and love Then I commenced scanning its Holy pages And I found these enlightening verses;“Take heed what you read and what you hear With what measure you mete It shall be measured to you And unto you that hear shall more be given Then go on to know more and more Of what that treasure is And glorify your God, without end.”Was He the same God whom I used to kneel to pray? Made out of blocks, wood, stone and clay? Verily I wondered but my doubt did not alter my desire Still I read the following text;“God created man and female In His image and likeness, He created them For His love and for the purpose to live with Him And that we must give our highest admiration And submit to Him, as our only God in return.” Consoled I said this is it I am looking for! The true God I had long desiredGod’s love to His children is lasting God is a reasonable One And understanding one in nature He sent Jesus Christ, His begotten Son His Son’s Sprinkling Blood save the world And washed out His children’s sins.This is God’s unconditional love for all of us It is an essential part of His nature God is love The personification of perfect love It surpasses our power of understanding It is everlasting, free sacrificial and enduring to the end It indicates the nature of the love of God toward His children Such spirit-inspired love never fails but always flourishes Because whoever lives in love and follows God’s commandments Lives in God and God in Him through Jesus Christ. The Bible says, “He is the living word The living water and the living bread To feed our hungers, thirsts and longings Jesus is the living light and life of the world Who could calm us in the hour of buoyant health In our hour of pain In our poverty or wealth In our loss or gain Who could soothe us with holy hymn and psalm And bid our spirits rest That Jesus died for us That on the cross He shed His blood From sin to set us free.” Now, I know, it is not yet too late for me to seek His Holy name and live with Him with true guidance and pure doctrines Through Jesus Christ and His teachings.I found Him the cleansing fountain where I can always flee His blood most precious the sinners’ perfect plea. Paul Pruel Riyadh, KSA


Nang Awitin Ni Ina Ang Kundiman :Nang Awitin Ni Ina Ang Kundiman Sa loob ng kuwartong kay tahimikSigaw ni Inay liwanag handang ihasikSa labas mga anak n’ya na ubod ng sungitDagliang huminto sa pagkukulit…Gimbal at paghanga una naming napalaLiwanag sa mukha ni Inang pinagpalaLarawan siya ng pagpakumbabaHumarap sa madla ng buong sigla…Mga labi n’ya’y umawit ng kundimanMensahe ang daladala’y kapanataganAt pagsusumamo para sa katiwasayanSa loob at labas ng kanyang tahanan…Layunin ni Ina’y magkasundo ang buong angkanPero sa isang pamilya ‘di maiwasan ang iringanIto’y katotohanan na dapat sana’y iwasanKung ang bawat isa’y magbibigayan…Nang awitin ni Ina ang KundimanNagpamalas ito ng pag-ako at pag-aminKapabayaan naging sanhi ng kaguluhanNgayon hangad ay kapatawaran…Kay sarap pakinggan ang awit ni InaAko’y namangha sa ganda ng mga notaSa tuwa’y naitanong ko sa kanya:“Ina, susi na ba ito ng pagkakaisa?”Pero mali ang aking sapantahaAng bayan ay lalung nalagay sa alanganinDulot ng walang patumanggang iringanNg ‘di nagkakaisang sambayanan! Paul Pruel Riyadh, KSA


Ang Balangaw :Ang Balangaw Pangkaraniwan ang kanyang pangalanNguni’t siya’y tanyag sa tunay na kagandahanMaraming tao ang naliligayahanSa t’wing siya’y nasisilayanKalimitan siya’y ginagawang inspirasyonNg mga makata’t may mapaglarong isipanIlalarawan nila ang kanyang kariktanAt iguguhit, isusulat sa iba’t-ibang paraanMahiwaga ang kanyang anyoKapag paningin sa kanya’y mapadakoSa silahis ng araw at patak ng ulanSiya’y masisilip sa taas ng kalangitanMay pitong kulay ang kanyang mukhaSa pangalan na “Roy G. Biv” na magandaMatatandaan ang pitong kulay na mahiwagaNa lalagi sa alaala hanggang doon kay BathalaKatulad ng kulay berde, simbolo ng pag-asaAng dilaw, simbolo ng pagkakaibiganAng pula, simbolo ng pagmamahalAng bughaw, simbolo ng katapatanDagdag pa rito’y ang kulay na Violet at OrangeAt kulay indigo, na ayon kay Isaac AsimovAy anino ng mga kulay na Violet at BlueSa Tagalog, Bahaghari ang tawag sa kanyaIndradhanush naman sa Hindu na mitolohiyaSa mga Ilokano ang tawag ay BulalayawAt sa kabisayaan Balangaw o Balingaw Katunog ng nawawalang batingaw ng Balangiga, Eastern Samar. Paul Pruel Riyadh, KSA


Pasasalamat Ko kay Nanay :Pasasalamat Ko kay Nanay Sa tuwing sasapit ang petsang itoLumulukso sa tuwa ang puso koKung magagawa ko lang dukutin itoAt ialay sa nag-iisa kong mahal na nanayGagawin ko upang humaba ang kanyang buhaySa taong 1960, ika-29 ng AbrilAko’y isinilang sa mundo ng nanay ko Siya ang unang humubog ng aking pagkataoAko’y kanyang inaruga’t inalagaan ng hustoWalang maihahambing ang kanyang pagmamahalSabi n’ya, ako’y kanyang tangan-tangan Sa sinapupunan ng siyam na buwanIna-awitan ng masasayang awitinGusto n’ya paglabas ko sa sanlibutanAy masayang mundo ang aking masisilayanAt nang ako’y iluwal na sa mundong ibabawMabuting pag-aalaga ay sa akin ipinalasapIpinasyal sa malawak na kaparanganIpinakita ang mga alon sa karagatanAt iba’t-ibang hugis ng ulap sa kalangitanKasama ang mga ibon sa himpapawidAng pagaspas ng kanilang mga pakpakAy awit ng katahimika’t kapanataganPaano ko po kayo mapapasalamatan inaySa kabutihan sa aki’y iyong ibinigay?Ang hirap na dinanas n’yo po para sa akinPagsamahin man ang lahat ng ginto’tMga diyamante sa mundo’y ‘di sapatNgunit sa puso ko, kayo po’y laging buhay ’!Mahal na mahal ko po kayo Nanay Paul Pruel Riyadh, KSA


Hanapin Mo Ang Tagumpay :Hanapin Mo Ang Tagumpay Pangarap ko para sa iyo’y balangawSa kanyang paanan ay may ginto kang makikitaAt hindi maulap na kalangitanUpang ako’y lagi mong masusulyapanAt maalaala mo ang ating pinagsamahanKasama sa pangarap ko’y maharot na hanginNa magbibigay sa iyo ng preskong pakiramdamSa t’wing ika’y nasa lilim ng mainit na arawUmiiyak at gulong-gulo ang isipanDahil sa bigat ng problema na iyong pinapasanNgunit ‘di ko pinangarap para sa iyoAng isang perpektong buhayNa puno ng karangyaa’t kasaganaanAt magagandang kapaligiranNa iyong mamalasin araw-arawIka’y maglakbay at hanapin mo ang tagumpayKasama ang lahat ng iyong mga pangarapAt ipagdarasal ko na lahat ay makamit mo Ang masayang buhay na puspos ng pagmamahalAt tagumpay na iyong inaasam-asam kaibigan… Paul Pruel Riyadh, KSA


You’re the Loser :You’re the Loser When you’re dread and wearySecluded and dispiritedYou found me your victimYou’re akin to a vampireWho just awoke from a long sleepSo eagerly desirous to suck outMy inmost precious substanceWith your deadly fingersMighty molars and lipsYou clutched me completelyAnd bitten me intenselyI begged you to stop hurting meBut you did not listenYou just ignored my wishAnd laughed-out-loudAfter draining out my vitalityYou gauged me rubbishAnd then throw me somewhereIn the toilet bowl and garbage canNow I realize living with youIs really helpless and unproductive But you’ll be the loser at the endFor every tar and nicotineThat you had drawn from meGenerate great pains, misery as wellAnd shorten your life! Paul Pruel Riyadh, KSA


Awit Ng Mga Maralita :Awit Ng Mga Maralita Dahil sa matinding kahirapan ngayonNa nararanasan ng mga anak-pawis‘Di maikukubli ang aming himutokBalde-balding luha’y aagos sa ilogAt mga hinanakit dahil sa kawalan…At ‘di matatapos ang iba’t-ibang daingNg nakararaming mga maralitang Pinoy‘Di kayang pigilan ang aming poot at galitKaharap ma’y punglo kami’y tuloy-tuloyNa iwawagayway ang aming mga karaingan…Ang aming hinaing ay kaparusahanPara sa mga tuso’t mga mandarambongMga abusado at mga nagnanakawSa kaban ng bayan, sila’y dalhin sa kulunganAt sila’y ipakain sa buwayang gutom…Subali’t kaming mga maralitang PinoyAy may puso’t may takot sa MaykapalAt dahil mabait kami’t maka-DiyosAming hihilingin sa Diyos na PoonHuminto na kayo sa inyong masamang gawa…Dapat magbago na kayong mga hinirangAng pangungurakot ay huwag atupaginSalapi ng bayan ay inyong ingatanAt bigyan ng lunas ang mga nagdarahopHustisya’t trabaho ang inyong igawad… Paul Pruel Riyadh, KSA


Paki-Usap :Paki-Usap Kung maibabalik ko lang ang pag-ikot ng orasan Upang muling mahagka’t masilayan ang nakaraan At muling marinig ang saya ng mga halakhakNaming magkakapatid na puno ng kakulitan: Nagtutuksuhan sa isa't-isa, kasama’y mga kaibiganAy gagawin ko upang mabawasan ang aking lungkot… Ngunit ito'y mga pangarap na lamang ngayon Ang tuhod ko'y nanghihina na pati ang panulatKo'y bali-bali na, ang boses ko’y namamalat naAng tingin ko sa kulay puti'y itim, mahina na Ang aking pandinig, ang puso ko'y sumisigaw At hinahangad na kunin na ang kaluluwa ko…Ngayon ang aking mga kapatid ay katulad naNg mga asong gutom, sa isang kapirasong buto Sila’y nag-aagawan, wala silang paki-alamKung sino sa kanila ang mapipiko’t masasaktanAng iba sa kanila'y may pera, ngunit ‘di nila alamKung paano gastusin ang kanilang kayamanan… Ang iba sa kanila ay mahilig magtinda patiAng karangalan nami'y ibinibinta sa mapanglinlangMga mangangalakal na naglipana sa aming bayanTanging hiling ko ngayon, sila'y magkasundo naBago man lang matapos ang buhay ko sa mundoAt bago ako'y pumalaot sa sinapupunan ni Bathala… Ang paki-usap ko ngayon, 'wag munang hihinto puso koSa iyong paghinga, hintayin muna silang magkaisa! Paul Pruel Riyadh, KSa


A Dry leaf :A Dry leaf Leaves are like ideas in the mindThey come when neededThey flourish and give lifeLight and great wisdomWhen ideas have served their purposeThey need to be swept awayWe must constantly sweep out the oldAnd give way for the new oneMan breathes for lifeAs he reachesHis old ageIt will ceaseAnd will fall apartLike a dry leaf… Paul Pruel Riyadh, KSA


Ibalik N’yo na Kami sa Disyerto :Ibalik N’yo na Kami sa Disyerto Sa aking pagmamasid ay napansin koNang malapitan na bahagya nangNangungulubot ang balat ng iyong mukhaAt may manaka-nakang peklat at gasgasSa iyong mga braso at binti na dati aySing-puti at kinis iyon ng gulay na labanosNgayon 'di mo na magawang magpagandaPati mga labi mo'y maputla, ang buhok moAy tuyong-tuyo na at nangangamoy tabakoBagama’t nalipasan ka na ng panahonNguni’t bukambibig ka parin ng mga taoPati ang mga bata’y nahuhumaling rin sa’yoAno ang mayroon ka na wala ang iba?Sa ilalim ng init ng araw at buhos ng ulanMga labi mo’y laging nakangiti, ang lungkotAt pighati sa inyong mga mata ay napaparamSa t’wing nakikita mo ang mga taong lumalabasAt pumapasok sa mga lagusan ng inyong tahananKanilang mamalasin ang mga bagay na mayIba’t-ibang kulay: mga gamit sa bahay, opisinaAt eskuwela; mga damit, sapatos at lahat na yataNa kailangan nila'y makikita sa’yo sa murang halagaKung mapapansin ninyo mga katoto’t kaibiganAng aking mga pahiwatig ay pagpapatotoo lamangNag-iisa lang ang Al-Batha sa siyudad ng RiyadhPamiliha’t pahingahan ng mga Pilipinong manggagawaAt sa aking paglilibot ay isang greeting cardAng aking nasilayan, ang mag-inang kamelyongNaglalambingan sa isa’t-isa at sa ibaba nitoAy may nakasulat “Ibalik n’yo na kami sa disyerto!” Paul Pruel Riyadh, KSA


Your Love Is Forever In My Heart :Your Love Is Forever In My Heart My heart leaps up when I gazed at flying fishSplashing on top of deep waters. I was aloneIn the beach nearby when I got scented of aPerfume which was familiar to me. I heardFootsteps and a chilly voice. My head whirledAnd I saw you upended behind me with yourFavorite attire of the pearly gown you wore inOur first night 20 years ago on our honeymoonYou smirked: your smile dimpled your faceSo, I longed for you and touched you with myThirsty lips. We’ve danced with the sea sprayThat hugged our feet relaxing on the sandsBeneath a cloudy sky. I asked you to stayWith me but you disappeared. You slippedFrom my hands and had joined the thin airLike bubbles you mixed with those clouds Leaving me with your sweet fragranceThe sun sank but its gentle warmth lingered on the landThe music stopped and you’ve gone with the breezeBut your love will be persisting in my heart forever… Paul Pruel Riyadh, KSA


Death is Nothing :Death is Nothing It doesn’t countI’ve only glided into the next roomNothing has happened to meEverything stays exactly as it wasThe life that we lived so fondly togetherIs untouched and not changedAnd still we’re the sameCall me by the old familiar namePut no deviation into your toneDon no vim air of solemnityLaugh as we always giggled at the little jestsPlay, smile, think of me and pray for meSpeak my name without strainWithout the wraith of a trace upon itLife means all that ever meantThere’s absolute and unbroken continuityWhat is this death but a trifling accident?Why should I be out of your mind?Is it because I’m out of your sight?I’m but waiting for you somewhere very nearJust round the corner of the room All is fairly well Paul Pruel Riyadh, KSA