Sa Tabi ng Dagat

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

Sa Tabi ng Dagat: 

Sa Tabi ng Dagat Ni Ildefonso Santos

Marahang-marahang manaog ka,Irog,at kita'y lalakad, malulunoy kitang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari'y kinuyom na rosas!: 

Marahang-marahang manaog ka,Irog,at kita'y lalakad, malulunoy kitang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari'y kinuyom na rosas!

Manunulay kita, habang maaga pa,sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin... patiyad na tayo'y maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin...: 

Manunulay kita, habang maaga pa,sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin... patiyad na tayo'y maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin...

Pagdating ng tubig mapapaurong kang parang nangingimi, gaganyakin kita sa nangangaroong mga lamang-lati, doon ay may tahong, talaba't halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno sa buslo bago tumanghali?: 

Pagdating ng tubig mapapaurong kang parang nangingimi, gaganyakin kita sa nangangaroong mga lamang-lati, doon ay may tahong, talaba't halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno sa buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon kita'y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon... Sa dagat man,Irog ang kaligayahan lahat,pati puso, ay naaagnas ding marahang-marahan...: 

Pagdadapithapon kita'y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon... Sa dagat man,Irog ang kaligayahan lahat,pati puso, ay naaagnas ding marahang-marahan...

III- Boron ‘11: 

III- Boron ‘11