Mga Activity sa Filipino 10

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

ito ay mga activity na aming ginawa ngayong ikalawang markahan

Comments

Presentation Transcript

Mga Activity sa Filipino 10 :

Mga Activity sa Filipino 10 • Dagli • Tula • Suring Mitolohiya • Suring Nobela

Slide2:

Magallanes, Wendell M. Mondejar , Ralph G. Pugoy , Charles Jayson D. Salave , Christian C. Sanico , Revin P. Bontes , Sweet Angelica Bulay , Ray Anne Gelantaga -an, Liezel Rago , Vea Joyce Virtucio , Christy Team PURA

Slide3:

Ang mga sumusunod na inyong mababasa ay ang mga activity na aming ginawa sa Filipino 10 ngayong ikalawang markahan . Ito ay ang Dagli , Tula, Suring Mitolohiya at Suring Nobela . Hangad naming na ito ay makatulong bilang isang batayan sa paggawa ng Dagli , Tula, Suring Mitolohiya at Suring Nobela sa kapwa naming kamag-aral at sa mga susunod pa na henerasyon .

Slide4:

DAGLI Ano nga ba ang Dagli ?

Slide5:

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento . Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas , sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano . Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag- ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila . Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas . Gayunman , hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig . Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat .

HALIMBAWA ng mga dagling aming nagawa :

HALIMBAWA ng mga dagling aming nagawa

Slide7:

Bata Ako at Totoo Ako ni Wendell Magallanes   Patay na ang kandila , ang kandila na tanging nagbibigay ilaw sa mumunting barong barong sa ilalim ng tulay na di kalayuan sa lungsod . Sa paggising sa umaga ay dama ang pagod sa pagtutulak ng kariton ngunit kailangang magmadali , maghanda ng agahan . Kanin na pumapanis na tira pa kagabi at ulo ng tuyo na hiningi pa ang naging panlaman tyan para sa buong umaga . Sa umaga ay nanlilimos at sa gabi namay nangangalakal . Kamay ay inaabot sa mga dumadaan habang hawak-hawak ang tyan . Nanghihingi kahit maliit man lang na tira ng tinapay o pera na isang piso o lima. Sa paglipas ng oras sikmura ay kumakalam batid ang gutom , na hindi naibsan ng kaunting agahan . Tanghali na ngunit kakarampot parin ang pera , dalawamput anim na piso . Naglakad sa tindahan at bumili ng sardinas at bigas na hahatiin pa para bukas . Ala una na , ang kinain ang magiging lakas sa pag tutulak buong maghapon . Tanging bote ng plastic, lata at dyaryo lamang ang nakakapagpasigla sa kanya na kahit paano ay makakadagdag ng maliit na gramo sa timbangan . Ang gawain nya ay di nagbabago . Nikaylanmay di naisip na magnakaw , nawala na nga ang pamilya paano na kaya kung mawawala pa ang dignidad at respeto . Siya ay isa sa mga bata na namumuhay sa realidad ng mundo , siya ay sampung taong gulang .

Slide8:

Panaginip ni Ralph Mondejar Lumabas ako sa bahay upang maglibang . Nakita ko ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan , gabi na pala . Bilog narin ang buwan . Nadama ko ang haplos ng malamig na hangin patungong bundok . Habang ako ay naglalakad patungo sa mataas na lugar , nakita ko ang aking matalik na kaibigang si Joy. Pumunta kaming pareho sa bundok upang magsaya kahit gabi na. Bumili muna kami ng makakain . Pagkarating sa bundok ay inilagay ko ang tela at umupo kami. Nag- asaran , nagtatawanan at nagkukulitan habang tumingala sa butuin . Natigilan ako nang sabihin ni Joy ang mga ito , "Hindi kita makakalimutan Ana, wala man ako sa mundo ay buhay na buhay ka sa aking puso't isipan . 'Wag mo sana akong kalimutan ." Bigla nalang akong nagising . Panaginip lang pala . Hindi ko lubos maisip na makakasama ko siya ulit . Sa sampung taong wala siya buhay ko . Kailanman , hindi ko makakalimutan ang matalik kong kaibigang si Joy.

Slide9:

Alaala n i Charles Jayson Pugoy Gumising ang nanay nang maaga upang paghandaan ang kanyang pamilya ng agahan habang ang asawa ay nagbibihis na upang magtrabaho at ang anak ay nagbibihis ng uniporme upang hindi mahuli sa paaralan . Pagkatapos kumain ng agahan ay nagpa alam na ang ama't anak sa ina kasabay ang pag bigay nang halik . Pagkatapos inihatid ng ama ang kanyang anak ay dumiretso na ang ama sa kanyang trabaho . Pag lubog nang araw , muling naghanda ang nanay upang sabay maghapunan ang pamilya . Pag dating ng mag ama ay dumiretso na sa hapag kainan at masayang nag kwentuhan sa mga nagawa nang pamilya sa buong araw . Pag dating ng linggo ay maagang gumigising ang lahat upang mag simba at simulan ang araw ng may gabay ng panginoon . Sa sumunod na araw ay gumising ang bata kasabay ang ibang mga bata at ang mga madre . Ang masaya't kompletong pamilya ay ngayo'y nasa isipan at alaala nalamang nga isang batang naulila .

Slide10:

Masakit ang MaBully ni Christian Salave Sinaksak ko na ang unan , hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman . Simula nang ako ay pumasok sa paaralan , parati nalang akong inaapi . Wala akong kayang gawin kundi ang sundin sila sapagkat payat ako at mahirap . Ayoko nang pumasok sa paaralan pero gusto kong matupad ang pangarap nang aking mga magulang.Simple lang ang pangarap nila , ito ay ang makapagtapos ako nang kolehiyo . Nasa ikatlong baitang na ako at dalawang taon na ang nakalipas simula nang apihin ako sa paaralan at hanggang ngayon hindi parin iyon nawawala . Marami na akong sugat sa aking puso pero binabalewala ko lang iyon . Kahit anong sabihin at gaano man kahirap ang pinapagawa nila , ito'y aking tinatanggap ng walang pag-aalinlangan.Sa tuwing recess namin ay sinusunod ko ang mga utos ng mga nag- aapi sa akin. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang nararamdaman nang inaapi namin noon at siya ang aking pinaglilingkuran ko bilang pangulo ng aming paaralan .

Slide11:

Ang Kasiyahan n i Revin Sanico Araw ng pagpakasiya ng barangay. Tumingin siya sa paligid na nakangiti na para bang bata na nasa tindahan ng laruan . Naniningkad sa kulay ang buong paligid . May palamuti , mga sarisaring ilaw , may nagkantahan , at kainan . Patuloy siyang naglalakad sa maliwanag na daan hangga't nakarating siya sa isang mabonggang lugar . May periswil ito , mga sasakyang umiikot , mga nakakatakot na sakayan at may nagbingo pa. Tumingin siya sa napakalaking periswil . naiisip na balang araw ay makakasakay sila ng kanyang mga kapatid . Naglakad siya ulit at nakarating sa isang abandonadong lote at doon nakita ang kapatid , nakaupo at naghihintay . Nang nagkita sila ay agad na nilapitan siya ng kapatid at umaasang may pasalubong . Kamakailan ay lumabasa uli sa abandonadong lote . Pumunta sa mga bahay-bahay . Pumasok sa una at sa pangalawang bahay pero pinalabas ito . sa wakas ay nakaswerte at pinapasok sa pangatlong bahay . Nang kalaonan ay lumabas nanakangiti , may dalang supot na may limang balot . Dali- daling pumunta sa kinaroroonan ng kapatid . Pagdating ay agad na inihapag ang pagkain at kumain sila . Nagpasalamat sa biyaya na natanggap kahit na wala na silang magulang at inabandona sila . Nagpasalamat din na kahit sa araw ng pista ay sila ay masaya pa rin . Pagkatapos ay pinatulog ang kapatid at tumingin sa kalangitan si Dongdong . Napaisip sa anu naman kaya ang kahaharapin nilang magkapatid bukas .

Slide12:

Ang pangkaraniwang Lunes ko ni Sweet Angelica Bontes Gigising ng maaga , matutulog ulit ng banyo at hihintayin ang sigaw ng nanay ko para ako’y gisingin at para ako’y maligo . Magbibihis ng uniporme , kakain nang nakapikit ang mga mata , hihingi ng baon at saka sabay halik sa pisngi ng nanay at tatay at ako’y handa ng umalis . Iyan ang aking palaging ginanagawa sa aking pangkaraniwang lunes. Pagdating sa silid aralan ay, nakiki-tsismis at saka nangongopya ng takdang aralin na noong nakaraang biyernes pa ibinigay sa amin . Hay naku ! Wala na talagang pinagbago , lagi nalang ganito ! At gaya ng pakaraniwang lunes ko ay sisimulan na naman n gaming guro ang klase sa pagpapasagot ng pasulit at dahil nga kagaya nga naman iyon ng aking pangkaraniwang lunes, ay tinawag nanaman ako ng aming guro upang pasagutin , at dahil nga kagaya ulit iyon ng aking pangkaraniwang lunes ay, hindi nanaman ako nakasagot at pinalabas na naman ako ulit kagaya ng iba ko pang pangkaraniwang lunes. Hay naku ! Wala na talagang pinagbago ! Ano ba naming buhay ‘to! “Rogelio!” sigaw ng nanay ko habang papasok ako ng banyo upang sana’y maligo kasi nga papasok ako ng maaga , “ opo,opo maliligo na ho!” pasigaw ko naming pasagot kay nanay . “Aba, aba’t ang aga aga yata , anong meron ?.” “Eh di ba nga ho may pasok ngayon , nanay naman oh, ang kulit kulit !” naiinis kong sagot ni nanay , ngunit ng marinig ko ang mga katagang sinambit ng aking nanay ay agad agad akong nabalot ng kahihiyan ng sabihin ni nanay na. “Hahaha, hay nakung bata ka ! huwag mo akong pinagloloko ! Kalian pa nagkaroon ng klase sa araw ng linggo !”

Slide13:

Tulong   n i Ray Anne Bulay Kasama ni Kat ang kanyang lolo sa paglalakbay sa isang bundok . Madulas masyado ang bundok kaya nadulas si Kat. Sumigaw siya at napatingin ang lolo nya sa kanya . Hinawakan ni Kat ang kamay ng kanyang lolo pero sinabi ng kanyang lolo na hayaan niyang siya ang humawak sa kanyang kamay upang may kontrol siya sa kanya kaysa naman si Kat ang hahawak sa kamay ng kanyang lolo at may posibilidad na mabibitawan nya ito . Nailigtas si Kat. Biglang sumagi sa kanyang isipan na mas mainam pa rin ang makinig sa mga payo ng mga nakakatanda .

Slide14:

Ang Pagkapit Ko Sa kanya ni Leizel Gelantaga Nakapormal na damit , may dalang pamaypay , ngayon ay linggo at handa na ako.Salamat po !, sana po ganito , sana po ganyan ang parating sinasabi ng aking bibig . Buong pusong sumasamba at nanalig sa kanya . Hindi man oras-oras basta’t ako’y nakatuon sa kanya . Paggising sa umaga , pagdating sa hapag kainan at pagtulog sa gabi , walang dapat kalimutan . Hanggang sa isang araw dumating ang isang problema kung saan hindi ko na kayang dalhin , dahil sa kinakaharap kung ito unti-unti nang nawawala ang panalangin ko at pagkapit ko sa kanya . May mga pagkukulang ba akong dapat gawin , may mga bagay bang hindi ko naitamang gawin . Dapat ko bang bigyang tuon ang panalingin ko sa kanya oras-oras o di kaya’y minu-minuto . May kahulugan at silbi pa ba ito.Sa paaralan , sa bahay ang nagiging distinasyon ko araw-araw . Ang pagmumura , pagsasalita nang hindi maganda sa kapwa at pagwawalang bahala sa mga bagay na dapat bigyang importansya ay nakasanayan ko na. Pagpunta sa simbahan ay hindi na binibigyang importansya , kung minsan nga nakisabay nalang sa iba , sa kadahilanang ngayon ay linggo . Minsan dalawang beses sa isang buwan pumupunta.Hanggang sa napag-sipan ko marami pang mga taong nakaranas nang paghihirap pero patuloy parin itong nananalangin sa Diyos . Hindi ko magiging kawalan ito kundi isang oputunidad na dapat bigyang halaga habang may buihay pa ako para sa aking bagong pag-asa . Alam kung tiwala ang importante kahit walang milagro . Magbabago pa kaya ako .

Slide15:

Ang Batang Naabuso n i Vea Joyce Rago Ako po ay ang nag iisang babae sa limang magkakapatid . Ako si Maria Joyce Guzman, 8 taong gulang lang po . Sa isang karaniwang bata na dapat sana ay maglalaro at pumapasok sa paaralan pero hindi ko ito nagagawa . Para akong asong nakakulong . Ang masaklap nito ay inaabuso at sinasaktan ako ng tatay ko . Palagi nalang akong umiiyak at pinapalo ng tatay ko . Walang magagawa ang nanay ko kund iumiyak napinagmamasdan ako dahil sinasaktan din siya ng tatay ko kapag lumalaban siya . Hindi kami malapit sa isa’tisa ng mga kapatid ko . Palagi akong nag iisa , kinukulong , inaalila at umiiyak habang pinagmamasdan ang nag hihilom na sugat . Ako ang pinapalaba , tagahugas ng pinggan , tagawalis ng sahig , pinapa-igib ng tubig at pinapalo pa kapag nagkakamali . Naging masaya lang ako kapag dumating na ang nanay ko dahil alam kong may prumoprotektasa akin.   Ang kaarawan ng isang tao ay napakaespesyal at napakasaya ngunit ang kaarawanko ang pinakamalungkot at masamang araw sabuhay ko dahil namatay angn anayko . Mas naging dilikado at magulo ang buhay ko . Palag inalang akong nagmumukmok at umiiyak na nakayakap sa litrato ng nanayko . Nang kumatok sa kwarto ko at nakita ko ang kapatid ko . Nagulat nalang ako nang lumapit siya sa akin, hinubaran niya ako at ginahasa . Para akong na baliw at gusto ko nang mamatay ng ginawa niya ito . Kaya nagsumbong ako ng sa mga pulis at nakulong siya . Ngunit akala ko okay na ang lahat pero ginawa ng mgakapatid ko . Mas masakit at masaklap ang ginawa niya sa akin. Pinagpalo-palo habang ginahasa ako . Para akong hayop na sinasaktan ng tatayko .

Slide16:

"Ah Okay“ n i Christy Virtucio Araw nga pala ngayun ng mga puso . Nakatayo lang ako sa pasilyo ng aming paaralan . Sino yung paparating ? Ayun , yung taong gustong -gusto ko nga pala . Hindi nya yata ako kilala . Ngunit syay paparating sa akin. May dala-dalang bulaklak at isang kahon . Hindi ako sigurado , ngunit tila ito'y isang kahon ng tsokolate . Ibibigay nya ba ito sa akin? Sana'y oo , pero bakit ?  Siya'y paparating na. Kinakabahan ako . May ngiti syang binigay sa akin, at kinausap niya ako . Pinapabigay nya pala ang mga dala-dala nya sa kaibigan ko . "Ah okay" ang sabi ko .

Slide17:

TULA Ano nga ba ang Tula?

Slide18:

• Ayon kay Alfred Austin: Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay ; na sa ibang pananalita , ito ay isang maguniguning paglalarawan , na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod , na tahasang nadarama , dinaramdam , iniisip , o ginagawa ng tao . • Ani ni John Ruskin: Ang tula ay isang pagbabagong-anyo sa buhay , o isang paglalarawan ng buhay na ang kagandahan ay hinahango sa guniguni na pinaparating o inihahatid sa ating mararangal na damdamin at ipinahayag sa pamamagitan ng masinop ng pangugusap at nag- aagkin ng namumukod na kariktang pinatitingkad ng tumpak na aliw-iw , na lalong gumaganda kung gumagalaw sa mga may sukat . Ang tula ay tahasang pagpapahiwatig , sa tulong ng guniguni at nag- aalimpuyong gunamgunam , at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin . Na ang ibig kong ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng Pag-ibig , Paghanga , Pagsamba na ang kasalungat : Pagkamuhi , Pag-kapoot , Pagkasindak , at hindi madalumat na kalungkutan . • Para kay Charles Mills Gayley:

Slide19:

HALIMBAWA ng mga tulang aming nagawa

Slide20:

Pag-Ibig Sa Magulang ni Wendell Magallanes    Sa mundong ating namulatan , magulang ang unang nasilayan . Nabuo sa kanilang pagmamahalan sa tulong ng panginoon sa kalangitan .   Sa umaga ikaw ang unang naaalala , magulang ay nasa tabi sabay kang inaaruga . Sa gabi namay sa pagtimpla ng gatas ay abala , dinuduyan ka sabay sa paganta .   Ngunit sa paglaki ay nagbago , di na nakikinig at matigas na ang ulo . Ikaw ay naligaw at daay di na mahanap , Ngunit magulang ang gumabay at muling tinanggap .   Oras ay mabiliis na dumaan , Magulang ay di na muling masisilayan at sa alaala nalang ng nakaraan na sanay iyo pang mababalikan .   Sa pagdalaw sa puntod ay unti-unting inaalala , mga bagay noong magulang ay buhay pa. Nungit kahit wala na ay iyo paring nadadama , Ang pag-ibig ng magulang iyong ama at ina .

Slide21:

SANA ni Ralph Mondejar O sinta , hindi ko man lubos maisip Ikaw na iba sa lahat , ang aking iniibig Niligawan sa tingin , halik sa hangin Kailanma'y hindi ka magiging akin. Bakit di maawat itong puso na ibigin ka ? Kahit alam kong mali itong aking pagsinta Matinding damdamin para sa iyo Madadama mo kaya itong katorpehan ko ? Gagawin lahat upang ika'y mapasaakin Lahat ng iuutos mo ay aking susundin Hindi ko hahayaan na ikaw ay masaktan O aking mahal , sa akin ka nalang Pag-ibig kong ito , iaalay sayo Ipagsisigawan sa buong mundo Puso ko'y baliw na ata sayo Patuloy akong iibig at magmamahal ng totoo .

Slide22:

Patuloy ni Charles Jayson Pugoy Nang ikay makita , mundo koy nag- iba . Dahil sa taglay mong natatanging ganda Pag kasama ka'y iba ang nadarama halata ang kilos ko ay nag iiba Sa mga pagkakataong ikay kasama , Ay naiisip kong ako'y duwag pala   Ang pagiging maingay ko'y nawawa , Dahil sa nadara kong subra kaba . Ang pangarap kong ikaw ay maging akin Dahil sa mga kilos ko't mga panalangin   Ang simpleng pangarap ko'y natupad na rin at pagmamahal moy napasaakin din. Dahil sa sagot mo , ako ay nabuo   Tanging sayo lang i-aalay ang puso   Dahil ang pag-ibig kong to ay totoo Sa mga pagsubok ako'y hindi susuko .

Slide23:

Ang Pag-ibig Ko ni Christian Salave Ikaw ay tulad ng diyamanteng bulaklak Na mas maganda pa sa ginto at pilak Sa tingin ko ang puso mo ay may balak Ako'y lasingin sa pag-ibig mong alak Oh! aking mahal ang puso'y binihag mo Parang aliping sunod-sunoran sa'yo Di ko alam kung ano ang ginawa mo Laging napaamo ang puso kong bato Di alam kung handa mo akong tanggapin Kahit ang langit ay aking tatahakin Lahat ng pagsubok ay handang harapin Puso at damdamin mo'y mapasaakin Hadlangan man tayo ng lindol at bagyo Aking puso'y ibibigay parin sa'yo Mapatunayang ika'y minamahal ko Sana'y tanggapin mo rin ang pag-ibig ko

Slide24:

Ang Aking Pag-ibig ni Revin Sanico Lahat tayo ay may kanyang iniibig Kahit sino dito sa ating daigdig Kapayapaan ay talagang manaig Kung tayong lahat ay may kanyang pag-ibig Mahal ko , sinta ko ika'y iniibig Isang dilag na lubhang kaakit-akit Isang magandang babae sa ating daigdig Minahal ko sya ng walang halong pilit Buhay ko noon ay talagang magulo Kagagohan doon , kagagohan dito Ngunit nang ika'y dumating sa buhay ko Lahat-lahat nalang ay biglang nagbago Noon ay Dota ang laging nilalaro Ngayo'y pag-aaral ang inatupag ko Dahil mahal kita at mahal mo ako Binago ko talaga katauhan ko .

Slide25:

Lumipas na Pag-ibig ni Ray Anne S. Bulay Ang sabi nila ay bata pa raw ako Pero ako ay uiibig na sayo Hindi naman siguro masama ito Kahit agwat ng edad natiý malayo   Oh kay sarap nitong aking nadarama Lalo na’t naalala ka sa t’wina Ang malungkot na mukha’y napapatawa At malumbay na araw ay kumpleto na   Ngunit tayo’y pinaglayo ng tadhana Ang pait ng buhay ko kapag wala ka Araw-araw hinahanap-hanap kita Bakit ako’y iniwan mo aking sinta ?   Ganito ba talaga kapag umibig Laging nasasaktan pati puso’t isip Ibulong nalang sa hangin bawat ihip Na no’ng unang panahon ako’y umibig

Slide26:

Ang Nasawi Kong Puso ni Leizel Gelantaga -an Pagmamahal na sabay nating binuo . Nanatiling nakataga sa bato Nakikita ang salitang mahal kita . Sa mga kamay at mata ni bathala . Panahon ay unti-unting ng nagbago . Pagmamahalang tunay kayamanan . Kasing tulad ng mga matang lumabo . Nasawing puso'y di na malulunasan . Ko'y nasasaktan ng walng kamalaymalay . Buong buhay binigay at inalay . Naging karumaldumal ang puso tanga . Sugat ma nakatanim parin ang bala . Pagdating nang panaho'y makalimot . Mga sakit na siyang naging pulot dulot . Baling araw sakit ay mapapalitan . Kakayanin ko mahirap man ang daan .

Slide27:

SURING MITOLOHIYA Ano nga ba ang Suring Mitolohiya ?

Slide29:

HALIMBAWA ng mga suring mitolohiyang aming nagawa

Slide30:

Ang Ulo ng Gorgon   Sa mitolohiyang ang Ulo ng Gorgon, ang naging mga tauhan ay sina Perseus siya ay anak ni Danae at Zeus, Zeus siya ay ama ni Perseus na naging gintong paliguan , Danae anak ni Acrisius na dahil sa isang paghuhula ay ikinulong sa kung saan wala siyang makikitang lalaki , Acrisius ama ni Danae na hinulaan na mamamatay siya sa kamay ng kanyang apo , Diktys isang mangingisda na lumigtas kay Perseus at Danae ng sila ay isinirado sa isang baul ni Acrisius upang malayo sa kanila , Polydectes isang hari na naging asawa ni Danae at nagpadala kay Perseus upang mapalayo sa kanyang ina , Athena isang makapangyarihang dyosa na tumulong kay Perseus sa kanyang paglalakbay , Hermes isang makapangyarihang dyos na tumulong din kay Perseus, Graea mga babaeng tumulong kay Perseus sa pamamagitan ng pagturo sa direksyon ng Gorgon, Medusa isa sa mga dyosang Gorgon na may ahas na buhok at kung sino mang tumingin sa kanyang mga mata ay magiging bato , Andromeda isinumpa ng doysa ngunit iniligtas ni Perseus at nagging kanyang asawa .      

Slide31:

Unang naganap ang mga pangyayari sa Seriphus isang isla na pinaghaharian ni Acrisius , ditto ikinulong ni Acrisius ang kanyang anak na si Danae upang maiwasan ang hula ngunit nagibang anyo si Zeus, siya nagging gintong paliguan at pinuntahan si Danae at doon nabuo si Perseus. Sumunod ay sa tabing dagat ng Seriphus , dito naghahari si Polydectes at dito nailigtas sina Danae at Perseus. Sumunod naman ay sa Nymphai , dito hiningi ni Perseus ang mga kagamitan na sinabi ni Hermes na kakaylanganin nya sa pagpatay sa gorgon. Pagkatapos ay sa tabing dagat na kweba ng mga gorgon, kung saan dito pinatay ni Perseus si Medussa . Ang huli ay pagbalik ni Perseus sa Seriphus kung saan sumali siya sa isang paligsahan at aksidenting napatay si Acrisius . Ang mga pangyayari sa kwento ay nakatuon sa pagpapakita ni Perseus sa mga taong hindi naniniwala sa kanyang kakayahan na nagkakamali siya . Ito ay nagsimula sa kanyang paglalakbay sa pagpatay sa isa sa mga gorgon na si Medussa na inakala ng lahat na imposible . Ang temang tinalakay sa mitolohiya ay ang kabayanihan . Una ay ang pagligtas ni Diktys sa mag- ina . Sumunod ay ang pagpatay ni Perseus kay Medussa na isang masamang dyosa . At ang huli ay ang pagligtas ni Perseus kay Andromeda na nasumpa dahil sa kanyang ina na ikinumpura ang kanyang kagandahan sa isang dyosa .

Slide32:

Psyche at Cupid Ang tauhan sa kwentong Cupid at Psyche a y sina Cupid, Psyche at Venus sila yung mga pangunahing tauhan sa kwento . Si Cupid ay ang diyos ng pag-ibig na anak ni Venus. Si psyche na siyang pinakamagandang babae . Si Venus naman na diyos ng kagandahan at ina ni Cupid. May mga karakter na hindi nabanggit sila yung mga kapatid ni Venus. Ang pangyayari ay naganap sa pinakamalayong lugar sa Mediterranean, ngunit hindi nabanggit ang eksaktong lugar at kung saang parti sa Mediterranea . Nakatuon ang mga pangyayari o banghay sa kwento , ang una ay pinakilala ang mga tauhan at paano sila pinakilala . Pangalawa , yung nawalan ng tiwala si Cupid kay Psyche at umalis ito . Pangatlo , ay yung pinuntahan ni Psyche si Cupid pero tumutol si Venus. Binigyan ni Venus ng pagsubok si Psyche alang alang kay Cupid. Sa kahulihulihan nagawa ni Psyche ang pagsubok na kanyang kinakaharap . Sina Cupid at psyche ay muling nagkasama at ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling matatag at silay namuhay ng mapayayapa . Ang tema sa mitolohiyang Cupid at Psyche ay tungkol sa pag-ibig kung saan hindi mabubuo ito kapag walang pagtitiwala sa isa’t-isa . Kaya sa hulu pinaglaban nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan .

Slide33:

Psyche at Cupid Si Cupid at Pysche ang mga pangunahing tauhan sa kwento . Sa Cupid ay isang immortal na anak ngDiyos ang kagandahan na si Venus , si cupid ang diyos ng pagibig . Siya ay kilalang mapagmahal , matapang at matulungin lalo na sa mga taong nangangailangan sa kanya subalit may isang kahinaan siya na malinaw na inilahad ng kuwento . Mahina ang kanyang paninindigan noong mas pinili niyang hindi mapakilala kay psyche kahit mag asawa na sila at mas pinili niya pa ring magbalat kayo. Si Pysche ay Maganda , mausisa , hindi pala suko at malambot ang puso . Si venus ang nanay ni cupid.   Ang kwentong ito ay nangyari noong unang panahons a Mediterranean. Ang tagpuan ay hindi matukoy , o hindi nabanggit sa kwento maaring nasa malayong lugar sa Mediterranean.   Nakatuon ang pangyayari o banghay , ay una ang pagpapakilala sa mga tauhan . Pangalawa , ay nawalan ng tiwala si cupid kay psyche . Pangatlo , ay pagsasakripisyo ni psyche sa pagibig at pagharap sa mgapagsubok o hamon ni venus . Sa panghuli ay nakitasila at nagkatuluyan at nagmahalan ng buongpuso at namuhay ng masaya na magkasama .   Ang tema ng kwentong cupid at psyche ay tungkol sa pagmamahalan , hindi mabubuo ang sang pagmamahalan kapag walang pagtitiwala sa isa’t-isa . Sa kwentong Cupid at Psyche ang pagmamahalan nila ay nanatiling matatag .

Slide34:

Psyche at Cupid PANIMULA Ang kwentong Psyche at Cupid ay isang mitolohiya galing sa bansang Roma. Ito ay isang akda na isinulat ni Apuleius. Makikilala mo ditto ang mga diyos at diyosa ng Roma na ginagawan din ng iba’t ibang kwento ng ibang manunulat . Layunin ng may akda na ipahayag ang kahalagahan ng pag-ibig at tiwala sa isang relasyon . PAGSUSURING PANGNILALAMAN   TEMA O PAKSA NG AKDA Ang tema ng akda ay tungkol sa pagpapatatag ng relasyon na may pag-ibig at tiwala .   MGA TAUHAN SA AKDA May dalawang klase ng tauhan sa kwento ang mga mortal at immortal. Si Psyche ay isang napakagandang mortal na ginawa lahat upang ipaglaban ang pag-iibigan nila ni Cupid. Si Cupid naman ay isang immortal na anak ni Venus. Siya ay masunurin dahil sinusunod niya lahat ng utos ng kanyang ina , hanngang siya ay umibig kay Pysche . Ang huli naman ay si Venus na ang diyosa ng kagandahan . Siya ang nagmimistulang kontrabida sa kwento dahil hihadlangan niya ang pag-iibigan nina Psyche at Cupid.

Slide35:

•TAGPUAN Ang tagpuan ng mga pangyayari ay sa Mt. Olympus kung saan nangyari ang mga paghihbirap ni Venus kay Psyche.   •BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI - Ang mga pangyayari sa akda ay nailalahad ng maayos . Ito man ay luma ngunit may mga aral kang makukuha at matutunan dito .   •KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA Masasalamin mo sa akda ang kultura ng mga taga Gresya /Roma. Makikita mo sa akda kung paano nila pinapahalagahan ang pag-iibigan sa isa’t isa. Para sa kanila titibay ang isang relasyon kung kaagapay ng pag-ibig ang tiwala .   PAGSUSURING PANGKAISIPAN • MGA KAISIPAN Ang kaisipang ginamit ditto ay unibersal , likas sa tao at lipunan at makatotohanan . Totoong mahalaga ang tiwala sa isang relasyon .   •ESTILO NGA PAGKAKASULAT Ang paraan ng pagsusulat sa akda ay epektibo at madaling maunawaan ng mga mambabasa . Ang mga salitang ginagamit ay naayon sa mga mag- aaral at hindi nila itong nakikita bilang isang boring na kwento

Slide36:

BUOD NG KWENTO Noong unang panahon , may harina may tatlong magagandang anak na babae . Isa na ditto si Psyche, ang pinakamaganda sa tatlo . Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan . Dahil dito , napapabayaan at nakakalimutan nilang mag- alay kay Venus, ang diyosa ng kagandahan . Sinabi rin nilang kahit si Venus ay hindi mapapantayan ang ganda ni Psyche. Dahil sa inggit at galit , inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid napaibigin si Psyche sa isang halimaw . Sinunod naman ni Cupid ang utos ni Venus. Ngunit , nang masilayan nito ang kagandahan ni Psyche ay umibig siya rito na parang napananiya ang kaniyang sariling puso . Nang maka-uwisi Cupid ay nilihim niya ang nangyari sa kaniyang ina . Nagtitiwala naman si Venus sa kanyang anak kaya hindi na niya tinanong pa. Ngunit hindi naganap ang kagustuhan ni Venus dahil walang nangyari . Sa kabilang dako naman , nag- aalala ang mga magulang ni Psyche dahil wala pa rin siyang asawa , kaya pinuntahan ng haring ama ni Psyche si Apollo para humingi ng tulong . Sinabi na man ni Apollo na dalhin nila ang kanilang anak sa tuktok ng bundok at bihisan ng pamburol . Matapang naman nahinarap ni Psyche ang kanyang kapalaran . Pagdating niya sa bundok , may nakita siyang mansiyon na parang ginawa para sa mga diyos . Dito niya nakilala ang kaniyang asawa , nahindi niya nakikita . Isang araw , pinuntahan siya ng kaniyang mga kapatid . Dahil sa awa , tinulungan niya ang mga ito kahit binalaan siya ng kaniyang asawa na huwag silang tutulungan . Naingit naman ang mga kapatid ni Psyche dahil sa kayamanan nito kaya sinabi nilang halimaw ang kaniyangasawa . Natakot naman si Psyche. Binilin siya ng kanyang mga kapatid na sindihan ang lampara at punyal para itarak sa dibdib ng kanyang asawa . Isang gabi , ng natutulog na ang kanyang asawa ay ginawana ni Psyche ang bilin ng kaniyang mga kapatid . Nang Makita nito ang mukha ng kanyang asawa , agad siyang namangha dahil sa

Slide37:

kagwapuhan nito at labis naman siyang natuwa dahil hindi halimaw ang kaniyang asawa . Ngunit , natuluan ng langis ang balikat ng kaniyang asawa kaya nagising ito . Dito niya napagtanto nawalang tiwalasa kaniya si Psyche at umalis sa palayo . Nang malaman ni Psyche na si Cupid ang kaniyang asawa , nagpasyahang hanapin ito . Hinanap niya ito kung saan-saan ngunit wala ito kaya pumunta siya kay Venus dahil maaaring nandoon si Cupid. Ngunit , dahil sagalit si Venus sakaniya , binigyan niya ito ng mga pagsubok . Sa panghuling pagsubok , inutusan ni Venus si Psyche nakumuha ng kagandahan kay Proserpine, ang diyosa sa ilalim ng lupa . Nang makuha niya ito , nasubokan ang karupukan ni Psyche. Binuksan niya ang kahon kung saan niya nilagay ang kagandahan nahiningi kay Proserpine. Nahimatay siya ng buksan niya ito.Sa mga panahon na ito , magaling nasi Cupid at sabik na siyang Makita ang kaniyang asawa . Pero, ikinulong siya ng kaniyang ina . Nakatakas naman si Cupid sa bukas na bintana . Nakita niya si Psyche malapit sa palasyo . Tinusok niya ang kaniyang busog upang siya’y magising . Pinagalitan niya naman agad ito dahil sa ginawa niya . Inutusan na niya itong ibigay kay Venus ang kahon . Pinuntahan naman ni Cupid si Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao at hiniling na huwag nagambalain ng kaniyang ina ang kanilang pag-iibigan ni Psyche. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos kasama si Venus. Sinabi nitong pormal ng ikinasal si Cupid at Psyche at wala na dapat gumambala sa kanila . Idinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos at iniabot ang ambrosia, ang pagkain ng mga diyos para maging immortal. Naging panatag narin si Venus namaging manugang si Psyche dahil diyosa na ito . Dito na nagtatapos ang istorya .

Slide38:

Zeus Si Zeus ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego . Siya ay pinakamakapangyarihan , pinakamataas , o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego.Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog , kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog ". Napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin ang daigdig . Nangyari ang kwentong ito noong unang panahon . Nakatuon ang pangyayari sa kung paano nakuha ni Zeus ang Trono . Si Cronus o Saturno sa Romano, ang Ama ni Zeus. Nabalitaan niyang mapapalitan siya sa pagkahari ng isa niyang magiging mga anak . Kaya't nilulunok niya ang mga ito . Upang mapigilan ang kanyang pagkagapi . Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, ina ni Zeus maliban na lamang kay Zeus na itinago ni Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya . Sa halip , ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang kasuotan . Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang ama na si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid . Nagkaroon sila ng kapangyarihan sa buong sanlibutan . Ang kapatid ni Zeus na lalaking si Poseidon, Hari ng karagatan . Si Hades napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay.Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya lahat ng iba pang mga diyos at mga tao mula sa kanyang palasyo na nasa itaas ng Bundok ng Olimpo , at nauupo sa isang ginintuang tronong may palamuting mga batong hiyas . Ang temang tinalakay sa Mitolohiya ay pagiging matatag ni Zeus. Kahit ano mang pagsubok ay dumating ay kailanmay hindi dapat siya susuko .

Slide39:

Hercules Si Hercules ay isang diyos na may kakaibang lakas . Ang kwento ni Hercules ay nangyari sa bansang Greece, ang Greece ay isang bansa sa kanluran at ang mga tao rito ay mahihilig sa mga diyos at diyosa . Sa bansa ring ito nanggaling ang mga maraming makata . Ang mga pangyayari sa mitolohiyang Hercules ay nakatuon sa pagkakaugnayan ng mga tao at mga diyos at diyosa . Ito ay dahil si Hercules ay dinukot noong sanggol pa siya at napadpad sa mundo ng mga mortal. Sina Amphitrym at Alemene ang nagsilbing mga magulang ni Hercules. Dumating ang araw na sinabi na nina Amphitrym at Alemene kung bakit may kakaibang lakas si Hercules. Nalaman ni Hercules na anak siya ni Zeus at tumungo siya sa trmplo ni Zeus, at sinabi ni Zeus na kung gusto niyang bumalik ang kapangyarihan nito bilang isang diyos ay kailangang mapatunayan ni Hercules na isa siyang tunay na bayani sa mundo ng mga tao . Ginawa nga ni Hercules ang lahat , tinulungan niya ang maraming tao hanggang sa umibig siya sa isang mortal na babae . Ginamit ang babae upang madakip si Hercules ng mga kalaban nito . At nung namatay ang babae , ginawa ni Hercules ang lahat upang mabuhay itong muli kahit na pumunta siya sa "underworld" upang kunin ang kaluluwa ng babae . Ang temang tinatalaky dito ay nagpapakita ng mga magagandang aral sa buhay ng isang tao .

Slide40:

Si Neptune at Ariela   Makapangyarihang diyos ng karagatan si Neptune at ang kanyang anak na si Ariela na isang sirena . Bilang isang diyos ng karagatan , kaya niyang pakalmahin ang alon ng dagat kung kanyang nanaisin at sinusunod siya ng ano mang nilalang sa dagat . Sakop ng kanyang kapangyarihan ang sinumang naninirahan dito . Ang kanyang anak naman ay si Ariela na isang sirena . Ang mitolohiyang ito ay nangyari noong unang panahon sa Mediterranean. Walang tiyak na lugar ang nakapaloob sa kwento kung saan maaring nasa malayong lugar sa Meditteranean nangyari ang kwento . Nakatuon ang kwento sa mga pangyayari . Sa unang bahagi , isinasalaysay ang kagandahan ng karagatan sa pangagalaga ni Neptune. Kasunod nito ay ang pagpapakilala sa mga tao na sumisira sa kagandahan ng kanyang kaharian . Pinapataas ang pangyayari at humantong sa pagkuha ng mga tao sa kanyang anak na si Ariela at pagsira sa karagatan . Sa hulihan ng kwento ay isinalaysay ang paglisan nina Neptune at Ariela sa kailaliman ng dagat hanggang wala ng nakakita sa kanila mula noon. Naging tema sa mitolohiya ang pagkasira ng karagatan dahil sa pang- aabusong ginawa ng mga tao sa yaman na taglay nito . Itinalakay din sa mitolohiya ang nagiging epekto ng pagsasawalang bahala ng tao sa karagatan .

Slide41:

SURING NOBELA Ano nga ba ang Suring Nobela ?

Slide43:

HALIMBAWA ng mga suring nobelang aming nagawa

Slide44:

"The Life of Pi” ( Ang Buhay ni “Pi”) By Yann Martel I . Panimula Ang Buhay ni “Pi” ay isang nobela na isinulat ni Yann Martel. Ang kwentong ito ay tungkol pakikipasapalaran sa buhay ni “Pi" na naligtas sa lumubog na barko at nabuhay sa maliit na bangka kasama ang malaking tigre . Si Yann Martel ay ipinanganak noong Hunyo 25, 1963, sa Salamanca Spain. Ang akda sa kwentong ito ay inilarawan ang mga karanasan ni Pi at at kahanga-hangang kwento ni Pi, na nag udyok sa kanya na isulat niya sa nobela . Pinapahayag sa kwentong ito kung gaano kahusay magmahal at magpasalamat si Pi. Layunin ng akda na sumulat sa nobelang ito na ipakita at ipahayag ang antas ng alamat at parabola at binibigyang diin ang akdang pampanitikan na maging kahit anong kailangan upang makipag-usap sa mga parehong kaganapan at paniniwala tungkol sa pilosopiya , relihiyon , pakikipagsapalaran , aliwan , at mga himala . II . Pagsusuring Nilalaman Ang tema o paksang nakapaloob sa kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran sa buhay ni Pi at ang kanyang buhay na mag- isa sa karagatan at pagbibigay importansya sa mga hayop . Ang mga karakter sa akda ay sina Piscine Molitor Patel (Pi) ang pangunahing tauhan sa nobela , at malalim na namangha sa mga gawi at mga katangian ng mga hayop at mga tao . Richard Parker, a “Royal Bengal tiger” na kasama ni Pi sa pakikipagsapalaran sa mallit na barko . Narrator, ang nagkukuwento sa ilang mga punto sa

Slide45:

buong teksto . Ravi, ang kuya ni Pi. Santosh Patel, ang ama ni Pi at nagturo sa kanyang mga anak na hindi lamang sa pag aalaga at kontrolin ang ligaw na hayop , ngunit katatakutan din ang mga ito . Gita Patel, and pinakamamahal na ina ni Pi at tagapagtanggol . Orange Juice, ang orang-utan na nabuhay sa maikling panahon sa maliit na bangka kasama si Pi at iba pang mga hayop . Ang balangkas ng pangyayari ay yaong pagpapahalaga sa mga bagay-bagay sa paligid . Ang buhay ay maraming pagsubok na dapat labanan . Sa nobelang ito ipinapakita ang buhay at karanasan ni Pi na mag- isa sa karagatan at kung paano niya ito malalampasan . Nakakaimpluwensya ito sa iabang tao o bansa dahil narin sa kulturang kinagisnan . III. Pagsusuring Pangkaisipan Ang ang antas ng alamat at parabola at binibigyang diin ang akdang pampanitikan na maging kahit anong kailangan upang makipag-usap sa mga parehong kaganapan at paniniwala tungkol sa pilosopiya , relihiyon , pakikipagsapalaran , aliwan , at mga himala . Mahalagang masuri sa akda ang kaisipang ginagamit na batayan sa paglalahad ng mga pangyayari . Ang nobelang ito ay nakakaantig ng damdamin dahil na rin sa paksang pakikipagsapalaran ni Pi na mag- isa sa karagatan . Ang malikhaing integrasyon sa nobela ay ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid ni Pi sa karagatan at sa yugtong paglayo ng tigre . ang nobelang ito ay nagbigay instrument upang malaman ng mga manonood na ang buhay ay puno ng pagsubok at dapat natin itong lagpasan . Ipinakita ni Pi na huwag mawalan ng pag-asa .

Slide46:

IV. Buod Ang nobelang “Life of Pi” ay isang istorya ng isang lalaki (Pi) na nakaligtas sa malakas na bagyo sa karagatan . Dahil sa insidente namatay ang kanyang magulang at kapatid . Sa pagnanais na maligtas ang sarili naglakbay ito sa karagatan kasama ang mga hayop na nakaligtas . Sa maliit na bangka doon siya namuhay at marami siyang pinagdaanan dito kasama na ang gutom , uhaw at mga hayop na nag- aaway . Namatay ang iba dala na rin ang panghihina at gutom . Ang tigre ay pinakamalaking pagsubok sa paglalakbay ni Pi ngunit dahil sa iang aksidente sa dagat iniligtas niya ito at napaamo ang mabangis na hayop . Sa paglalakbay ni Pi at ng tigre napadpad sila sa isang isla . Napakaganda ng tanawin animo’y isang langit dahil sa masasarap na prutas , maraming hayop at ang pinakanagpamangha kay Pi doon ay ang mga jelly fish na lumilitaw sa gabi . Sa paglipas ng panahon hindi siya nawalan ng tiwala na makauwi siyang buhay at napadpad nga ito sa isang lugar at siya’y nakaligtas ngunit ang kanyang tigre na kanyang minahal ay piling tumira sa kagubatan at lubos naman niya itong tinanggap sa bandang huli at masaya sa kanyang naranasan sa kagubatan .

Slide47:

TONDO MAN MAY LANGIT DIN   I.Panimula Ang akda ay isang nobela at lipunan . Ang akda ay karaniwan ng salamin ng tradisyon ng isang lipunang nagluwal dito . Masining ang akda sa pagkat kinakitaan ito ng maka totohanang gawain , paniniwala , at saloobin ng mga tao . Naging makabuluhan ang akda nung ito ay napaghanguan ng mga makatotohanang pangyayari na naganap sa isang tiyak na panahon . Sa mga nobela ni Andres Cristobal Cruz, malinawang mga karanasan pagkatapos ng digmaan . Naipakita ni Cruz na ang akda ay salamin ng tradisyon ngi sang lipunang nagluwal dito . Nagawa niyang masining ang akda nang kinakitaan ito ng makatotohanang gawi , paniniwala at saloobin ng pangkat ng tao . Mula sa isang tiyak na lugar , nagiging makabuluhan ang isang akda kung ito ay maaaring mapaghanguan ng mga makatotohanang pangyayari na naganap sa isangtiyak na panahon . Ang akda ay nanlilibang at nakwento tungkol sa mga pangkaraniwang gingawa ng mga tao . Ipinapakita din nito ang mga kabutihan at pagmamalasakit ng mga kamag-anak at pamilya . II. PagsusuringPangnilalaman Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon . Ang paksa ng teksto ay maaaring alam ng madaming tao sapagkat karaniwan lang itong nangyayari . Ang mga tauhan ay sina Victor ang mapapangasawa ni Alma, si Alma angmapapangasawa ni Victor. Lukas nagbigay kay Victor at Alma ng aksesorya na binayadan niya ng pang- isang taon . Aling Sion , mag- asawang Fuentes, Monching at Pulitiko . Ang tagpuan at panahonay makatotohanan . Sa Tondo ito

Slide48:

naganap at sa ibang lugar na matatagpuan o may kinalaman sa kasal nila . Naging maka buluhan ang akda dahil napag hanguan dito ang isang tiyak napanahon mula sa isang tiyak na lugar . Dati na ang mga pangyayaring may bagong bihis , anyo , anggulo , at pananaw . Bagama’t ginami tang paksang pag-ibig , hindi ito lubusang piagtuunanng pansin ng akda ni Cruz . Saka nyang kwento ay ipinakikita ang paglaganap ng diwang kolonyal sa iba’tibang larangan ng pulitika III. PagsusuringPangkaisipan Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nag papaliwanag sa mga kaisipang umiiral , tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at karanasan . Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang unibersal , likas sa tao at lipunan . Epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita . Angkop sa antas ng pang- unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda . May bias ang istilong pagkakasulat sa nilalaman ng akda . Masining din ang pagkakagawa ng akda . Ito’y may kahalagahang tumugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay naakda . IV . Buod Malapit nang ikasal si Victor at Alma . Pumunta ang pamilya ni Victor sa bahay ni Alma. Pinag-uusapan ang tungkol sa nalalapit na kasal nilang dalawa . Nang mapagkasunduan nila ang tungkol sa kasal ay napagpasiyahan na ni Aling Sion na umuwi . Bago ang kasal nilang dalawa , pumunta sila sa aksesorya kasama si Lukas. Nagulat ang dalawa dahil binigyan sila nito ng aksesorya at bayad nang isang taon . Nagpasalamat na silang dalawa kay Victor. Naging simple lang ang kanilang kasal . Nagkaroon lang din ng simpleng handaan . Natapos din ang araw na kanilang pinakahihintay . Naglambingan ang dalawang mag- asawa . At pagkaraan ng ilang

Slide49:

sandali , doon sa pook na iyon ngTundo ay sinimulang likhain , sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko , ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay na pangarapa ng isang bago’t matapang na daigdaig . Isang daigdig na kay palay may sariling langit na biyaya ng pag-ibig . Matapos ang ilang panahon , nagkaroon ng epidemya sa Pelaez . May mga dayuhang duktor na pumunta sa lugar upang humanap ng lunas . Nag si Rogelio na ang tinawag upang i-eksamina ang kaniyang dugo , nagulat ang mga duktor at nakita na nila ang gamot sa epidemya . Nang malaman iyon ni Rogelio, ninais niyang maipagamot muna ang mga magulang kaya lumabas siya sa tolda ng mga duktor.Habang hinahanap niya ang kaniyang mga magulang , may isang lalaki na lumapit sa kaniya ay sinaksak siya upang magamot ang anak nitong apektado na din ng epidemya . Nagtapos ang istorya nang ang Pelaez ay nagbalik sa dati at ang bagong mayor ay nagbibigay ng talumpati nito sa taong bayan kung paano nakatulong si Rogelio Manglicmot sa kanilang lugar at kung anu-ano ang mga ngawa ng partido ng mayor para sa Pelaez . Nagalit si Bok- bok at sinugod ang mayor at sinapak ito . Ang akdang pampanitikan na ito ay nauuri sa Naturalismo . May katangian din ito kung saan nagkakaroon ng external o internal force na sumasailalim sa mga tauhan sa kuwento . Ito nga ay ang kapangyarihan ng pagiging makasarili ng mga tao . Dahil sa pagiging makasarili ng mga ito , nagkakaroon ng mga problemang hindi naman dapat na umusbong .

Slide50:

PUSONG WALANG PAG IBIG I. Pamagat : PUSONG WALANG PAG IBIG  Naging isang iresponsableng asawa at ama si Enrique kaya naman marami siyang pagkukulang . Siya ay isang taong may " Pusong Walang Pag-ibig " na isinulat ni Roman G. Reyes II.Buod Si Enrique ay disinuwebe anyos na sugarol , bolero at guwapo , na pinakasalan ang beynte-siyete anyos na si Loleng upang makaraos sa utang at napipintong paghahabla . Isinugal ni Enrique ang munting mana ni Loleng . Nagkaroon sila ng anak , si Nene,na lumaking hindi kilala ang sariling ama sa pag-aakalang sumapi ito sa mga Katipunero . Ngunit ang totoo'y tinalikuran ni Enrique ang himagsikan . Nagkahiwalay sina Loleng at Nene nang magbakbakan ang mga Kastila at Katipunero . Hinanap ni Loleng ang anak , hanggang matagpuan iyon sa kalinga ng mabuting doktor at ng kaniyang asawang namumuhay sa Maynila na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Amerikano . Nang pauwi na si Enrique upang makita ang kaniyang mag- ina , nasagasaan naman siya ng kotse , at namatay makaraang makipagayos sa kaniyang pamilya . Dumukal ang nobela sa mga tunay na pangyayari noong 1890-1900bilang panlipunang konteksto na ang mga tauhan sa nobela ay namuhay sa kapani-paniwalang dulang nagsasalimbay ang kasaysayan at pansariling buhay .

Slide51:

III. Paksa Ang naging paksa ng nobela ay ang pagiging iresponsableng ama ng isang tauhan . Wala siyang iniisip kundi ang sarili niyang kapakanan . IV. Bisa Ginigising ng akda ang damdamin ng mambabasa dahil napupukaw nito ang pananaw ng mambabasa dahil sa mga nakakalungkot na pangyayaring naganap sa akda . V. Mensahe Maging masunurin sa maulang dahil ito ay isa sa mga utos ng Diyos na may pangakong pagbibigay ng magandang kapalaran balang arw . Sa buhay kapay may hirap meron din tayong mararanasang kaginhawaan sa bandang huli . Bigyan ng importansya ang pamilya . VI. Teoryang Ginamit   Ang nobela ay nagpapakita sa teoryang sosyolohikal dahil ang mga pangyayaring nakasaad sa nobela ay maaari san totoong buhay at tungkol din ito sa mga nangyari sa mga tao sa pang araw-araw na gawain .

authorStream Live Help