ANG PAG-AGAPAY

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

ANG PAG-AGAPAY NG MGA DUMAGAT SA MODERNONG PAMUMUHAY :

ANG PAG-AGAPAY NG MGA DUMAGAT SA MODERNONG PAMUMUHAY Bundok Balabag Sitio Karahume (Rizal, Norzagaray at San Jose del Monte Bulacan)

Sino nga ba ang mga Dumagat? :

Sino nga ba ang mga Dumagat?

ANG MGA DUMAGAT AY: :

ANG MGA DUMAGAT AY: Ang mga Dumagat ay isa sa mga katutubo o etnikong pangkat sa Pilipinas. Ang Dumagat ay isa sa mahalagang pangkat upang pagtuunan ng pag-aaral ng lahing kayumanggi. Ang salitang “Dumagat” ay nagsimula sa salitang “rumakat” /”lumakat” o lumakad. Ang Dumagat ay pinagsamang Negrito, Hindu at Kayumanggi bunga ng pagdagsa ng ibat-ibang lahi sa paglipas ng panahon.

Iba pang Katutubo sa Pilipinas: :

Iba pang Katutubo sa Pilipinas:

Ano ang Modernong pamumuhay?:

Ano ang Modernong pamumuhay? Ang Modernong pamumuhay ay pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran dulot ng pag-unlad ng aspetong pang-teknolohiya at lubusang pagtuklas ng kaalaman na mapapadali ang buhay ng tao at kaakibat nito ang pag-unlad ng estadong pang-ekonomiya.

Kahulugan ng pag-aagapay:

Kahulugan ng pag-aagapay AGAPAY Category: Tagalog-English Dictionary/English Translation of Tagalog Word agapáy (rare) parallel agapay support, reinforce kaagapay hand in hand Kaagapay kita. You are with me in this endeavor. inaagapayan supporting (someone) Agapay is also a common surname in ...

Bakit napili ang paksa::

Bakit napili ang paksa: Napili namin ito sapagkat isa ito sa pinakamaganda at interesanteng paksa. Gusto naming matuklasan ang buhay na meron sa kabundukan. Maranasan at makita ang katutubong pamumuhay. Namamangha kami sa kagandahan ng kabundukan. Nais naming iparating sa iba ang tunay na kahalagahan ng mga katutubong Dumagat.

Naka-aagapay ba ang mga Dumagat sa Modernong Pamumuhay?:

Naka-aagapay ba ang mga Dumagat sa Modernong Pamumuhay?

Topograpiya at Kapaligirang Pisikal :

Topograpiya at Kapaligirang Pisikal Matatagpuan ang Sitio Karahume sa paanan ng bulubunduking Sierra Madre . Ito ay tinaguriang patag o lowland bilang sonang pang-ekolohikal. Malapit ito sa ilog at may ipinagmamalaking talon na tinatawag nilang Three Falls . Ang mga bahay ay karaniwang yari sa kahoy at semento o semi-concrete at karaniwang matatagpuan ang mga ito malapit sa ilog. Karaniwang nanggagaling sa bukal ang tubig-inumin ng mga taga karahume. Hindi lahat ng bahay ay may suplay ng kuryente. May 25 porsyento lamang ang mayroong kuryente sa kabuuang bilang ng pamilya. ng Sitio ay may kabuuang sukat na 1817 na ektarya.

Panlipunang Katangian:

Panlipunang Katangian Populasyon: 200 pamilya at humigit kumulang na 2000 katao. Bilang ng mga Bahay: 184 Transportasyon at Pamasahe: Halos mag -iisang oras ang biyahe ng dyip mula colegio hanggang Tungko, mula tungko may sakayan duon na dyip Licaolicao mga 30 minutos din ang biyahe. Sa pagbaba ng sa sasakyan makakauha ng traysikel papuntang Sitio Karahume. Mahigit 20 piso ang pamasahe sa dyipTungko hanganga sa licaolicao. Ang nasabing biyahe palabas at papuntang ay tuwing 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng tanghali araw-araw.

Slide 11:

Kabuhayan: Pagsasaka ng palay (nakikisaka),Pagtatanim tulad ng luya, gabi, ube at kamote, Pagpasok na Constuction Worker, Pag-uuling, Pagbebenta ng mga seedlings tulad ng narra at Pagtatraysikel. Mga Huwarang Pangkultura sa Komunidad: Kapistahan: Pebrero 13-14 Rekreasyon/Libangan: Pakikinig sa radio, Panonood ng telebisyon, Paglalaro ng baraha at bingo, Paglalaro ng basketball, at pagbibiseklete. Pananamit: kagaya na ng pananamit ng mga taagalog o abyang. Organisasyon at Institusyong Pangkomunidad : Sangguniang Barangay, Sanguniang Kabataan, Tribunal Hall, Samahan ng mga Kababaihan, Sitio Karahume Elementary School, Health Center

Mga suliranin::

Mga suliranin: Pagkasira ng bundok na nagdudulot ng dagliang pagbaha. Kawalan ng palikuran ang ilang mga bahay. Marami sa mga magsasaka ang nakikisaka lamang sistemang hatian ng ani na tersyohan o 25% ng kabuoang ani ang matitira sa nakikisaka at 75% ang pumupunta sa may-ari ng lupa Malayo sa ospital (20 kilometro mula sa barangay) Suliranin ang hanapbuhay na makakapagbigay ng sapat na kita upang mabuhay ng marangal

Slide 13:

Madalas wala ang kabataan sa nasabing lugar sanhi ng pandarayuhan sa ibang lugar gaya ng mga siyudad upang maghanapbuhay Mga lubak na daan Problemang kinakaharap hinggil sa pagmamay-ari ng lupa Illegal na pagtotroso Pagkagutom ng mga Dumagat. Kakulangan sa gamot. Kakulangan sa trabaho.

KONGKLUSYON:

KONGKLUSYON Marami pa ring katutubong dumagat ang hirap makasabay sa Modernong Pamumuhay na sinasabing mas madaling uri ng pag-unlad ng isang komunidad. Dahil sa kahirapan ng buhay ng mga katutubo mismo sila ay kasangkot na sa mga illegal na gawain tulad ng pagtotroso upang magkaroon ng pera at maipambili ng pagkain. Nalaman namin na ang mga katutubong dumagat ay unti unti ng nawawala at nauubos sa kalagayang pagtalikod na sa kanilang uri ng pamumuhay, kultura at mga paniniwala dulot ng impluwensiya ng mga dayuhan, kapitalista at mga kapatid nating Tagalog. Hindi gaanong nakakaabot ang tulong ng Gobyerno sa kabundukan.

Slide 15:

Ang paglimot sa kanila at di pagbibigay ng prayoridad upang sila ay matulungang maiangat ang pamumuhay. Ang lubos na pagkasira ng kalikasan dahil narin sa kagagawan ng mga taong gahaman sa salapi at kapangyarihan. Na magpahanggang ngayon ay walang katiyakan ang mga katutubo upang lubusan na nilang maari ang katutubong lupa. Nalaman namin na lubos na pinahahalagahan ng mga katutubo ang edukasyon. Dahil karamihan sa kanila ay salat sa kaalaman, di marunong sumulat at magbasa.

REKOMENDASYON:

REKOMENDASYON Iminumungkahi namin sa ating Gobyerno na gawing tagabantay, tagamasid at katiwala ang mga Dumagat para sa kabundukan. Imbis na mga forester mga katutubo nalang dahil mas pamilyar sila sa pamumuhay sa kabundukan, maglaan ng sapat na pondo para sa pampasuweldo. Pagbibigay ng Gobyerno ng prayoridad sa mga katutubong Dumagat hinggil sa Edukasyon. Pagpapatayo ng Mataas na paaralan sa Sitio Karahume. Huwag balewalain ang mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan, bagkus tayo ay tumulong at makiisa sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, di pagkakalat at iba pang makakalikasang gawi.

Slide 17:

Ang madaliang pagsasabatas ng pagiging legal ng pagmamay-ari ng mga katutubo sa kanilang manang lupa. Magsagawa ng mga livelihood program na makakatulong sa mga dumagat at kalikasan. Sagipin ang pagkawala ng kanilang katutubong kultura sa pamamagitan ng pagtatala sa kasaysayan at pagbabahagi ng impormasyon sa iba. Bilang estudyante tulad natin amkilahok sa mga samahang may pakialam at pinapahalagahan ang kalikasan. Ibigay na sa mg katutubo ang kanilang sariling lupa.

Isang presentasyon ang inihahandog namin sa inyo!!!:

Isang presentasyon ang inihahandog namin sa inyo!!!

MABUHAY TAYONG LAHAT!:

MABUHAY TAYONG LAHAT! MARAMING SALAMAT PO!!!