komiks

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

Slide2:

Ano pong gingawa mo diyan N anay ? Kinakaskas ko ang sebo sa kawali . Sobrang linis na po iyan . Dapat malinis para tanggal ang mikrobyo . Maglaro ka na muna doon sa sala anak . Ang nanay ko , ang imis-imis . Pag may duming nakadikit , kiskis dito , kiskis doon . Pag may mantsa sa damit , kuskos dito , kuskos doon . 1

Slide3:

Nagkalat ka na naman . Tumayo ka na diyan at mag- aayos na ako dito sa sala . Ang sipag talaga ng N anay ko . Ako na po ang magliligpit nitong diyaryo . Dadako siya sa sala at mag- aayos . 2

Slide4:

Nay, iinom po ako ng tubig . Hawakan mo ng maigi ang baso . Ano pong niluluto mo ? Nagluluto ako ng sinigang na isda . Papasok siya sa kusina at magbubusisi . 3

Slide5:

Tinahi ko na itong tastas na laylayan at tinagpian ko na din yung butas . Salamat po N anay . Ako na po ang magliligpit nito . Ililigpit ko na itong mga laruan mo ha! Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit . 4

Slide6:

Tapos ka na bang umihi ? Ako na ang magbubuhos ng inodoro para malinis . Opo N anay , maghuhugas na lang po ako at tatayo na po ako . Gagawi siya sa paliguan at mag- uusisa . 5

Slide7:

Iikot siya sa bakuran , sa may halamanan . Pag may dahong naglaglagan , walis dito , walis doon . Pag may ipot ng ibon , palis dito , palis doon . Pag may uod na naipon , alis dito , alis doon . Dito pa po madaming dahong naglaglagan . Oo anak , wawalisin ko din lahat iyan para luminis ang ating bakuran . 6

Slide8:

Isang araw dumating si Tita Maring . Ano ba naman Milagring ! Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo. Parang papel de liha na pang- isis . Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo. 7

Slide9:

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay ? Bakit ? Ano ba ang papel de liha ? Papel de hapon lang ang narito . Pupunta na lang ako kila Aling Epang at bibili ako ng papel de liha . Naghanap ako sa bahay ng papel de liha . Magaspang ito . Mahapdi sa balat . Gasgas ang kahoy sa isang kaskas . Nisnis ang damit sa isang isis . Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay ? 8

Slide10:

Minsan , nilagnat ako at napilitang mahiga . Ayan napunasan na kita . Napainom na ng gamot . At nahimas ko na ang sumakit mong mga buto . Kumusta na ang pakiramdam ng anak ko ? Bakit po hindi mahapdi ang himas mo ? Bakit po hindi nagasgas ang balat ko ? Lalo po akong guminhawa sa bawat himas mo. Mali si Tita Maring . Hindi po papel de liha ang mga palad mo Nanay . Hehe .. Ikaw talaga ! Magpahinga ka na nga at ng gumaling ka na agad . 9

Slide11:

Noong magaling na ako , nakita ko na naman si Nanay na umiikot ng bahay . Mag- ara l ka lang diyan anak ha! At maglilinis lang muna ako ng bahay . Opo Nanay . 10

Slide12:

Ang sarap tingnan . Magkahawak-kamay si Nanay at Tatay . Mali talaga si Tita Maring . Hinde papel de liha ang mga palad ni Nanay . Hindi papel de lihang isis dito , isis doon . Kiskis dito , kiskis doon . Kaskas dito , kaskas doon . 11

Slide13:

Pero di ko pa rin matiis na tanungin si Nanay . Nanay , bakit po nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad mo ? Anak makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho 12

Slide14:

Pinalambot po ng magaspang na kamay mo ang unan sa ulo ko . Ang manok na nilaga . Ang kutson sa upuan . Ang medyas at kamiseta ni Tatay . Ang lupang batuhan . Pati lumang pandesal lumambot din. Kaya pakiramdam ko po ayaw ko nang bumitiw pa sa kamay mo Nanay Pumunta ako kay Nanay at humawak sa kamay niya . Maraming salamat anak ko . Mahal na mahal kita . 13

Slide15:

Mahal na mahal din po kita Nanay . Maraming salamat din po sa lahat . Hihi hihi … Hihi hihihi … 14

Slide16:

Pandiwa Ang pandiwa ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang tao , hayop , o bagay . Ito ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi : na , ma, nag, mag, um, in, at hin . Ang talong aspekto ng pandiwa : Pangnagdaan o Naganap na – ang kilos ay ginawa na , tapos na , o nakalipas na. Pangkasalukuyan o Nagaganap – ang kilos ay ginagawa , nagyayari , o ginagawa sa kasalukuyan . Panghinaharap o Magaganap pa lang – ang kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang . Sa bawat panahunan , kapag ginamit sa pangungusap ay magagamit ang salitang nagsasabi ng oras o panahon . Pangnagdaan o Naganap na : kahapon , noon, kanina , nakaraang buwan / araw Pangkasalukuyan o Nagaganap : ngayon , kasalukuyan Panghinaharap o Magaganap pa lang : bukas , mamaya , sa susunod na araw , sa Lunes , sa darating na taon . Mga Pandiwa sa Kwento Kinakaskas → Pangkasalukuyan Maglaro → Panghinaharap Nagkalat → Pangnagdaan Tumayo → Panghinaharap Mag- aayos → Panghinaharap Magliligpit → Panghinaharap Iinom → Panghinaharap Hawakan → Panghinaharap Niluluto → Pangkasalukuyan Nagluluto → Pangkasalukuyan Tinahi → Pangnagdaan Ililigpit → Panghinaharap Magliligpit → Panghinaharap Magbubuhos → Panghinaharap Maghuhugas → Panghinaharap Tatayo → Panghinaharap Naglaglagan → Pangnagdaan Wawalisin → Panghinaharap Hawakan → Panghinaharap Hahawakan → Panghinaharap Bibili → Panghinaharap Napunasan → Pangnagdaan Napainom → Pangnagdaan Nahimas → Pangnagdaan Magpahinga → Panghinaharap Mag- aral → Panghinaharap Maglilinis → Panghinaharap Tingnan → Panghinaharap Magkahawak-kamay → Pangkasalukuyan Pinalambot → Pangnagdaan Bumitiw → Pangnagdaan

Slide17:

Aubrey Joyce B. Coronico VI – GT Love Ang kuwentong ito ay isang parangal sa kadakilaan ng isang Ina. Magaspang ang kaniyang palad dahil sa dami ng gawain sa bahay , pero lumalambot at gumagaan ang kaniyang kamay kapag nag- aalaga ng anak .

authorStream Live Help