langis at mga pananim lalo na sa panahon ng el nino

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

langis at mga pananim lalo na sa panahon ng el nino

Comments

Presentation Transcript

PowerPoint Presentation:

Lurisa national high school Samay Gingoog City S.Y. 2012-2013

PowerPoint Presentation:

Project in a.p . Submitted by: Submitted to: Jomar Aguilor Norebel Balagulan

PowerPoint Presentation:

Ano ang Langis ?: Ano ang Langis ? Ang langis ay isang sustansyang kimikal na nasa katayuang malapot na likido ( " malangis " ) sa temperaturang pang- silid o mas mainit ng kaunti , at parehong hidropobiko ( inmissible o hindi mahalo sa tubig ) at lipopiliko ( missible o nahahalo sa ibang mga langis , sa literal). Kabilang sa pangkalahatang kahulugan na ito ang mga kompuwestong uri na may ibang hindi kaugnay na mga kimikal na kayarian , katangian at gamit , kabilang ang langis ng gulay , petrokimikang mga langis , at pabagu-bagong mga mahahalagang langis . Hindi polar na sustansya ang langis . Sa kolokyal na gamit , maaaring tumukoy din ang katawagang langis sa petrolyo .

PowerPoint Presentation:

Monopolyo Kapitalismo at Pagpepresyo ng Langis . : Monopolyo K apitalismo at Pagpepresyo ng Langis . Kontrolado ng iilang malalaking monopolyo-kapitalista ang pandaigdigang industriya ng langis . Ang limang pinakamalalaking halimaw sa industriya ay ang Exxon Mobil, British Petroleum, Royal Dutch Shell, Chevron Texaco at Total. Kontrolado ng limang ito ang eksplorasyon , pagmimina ng krudo , pagrerepina , pagbibyahe nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo hanggang sa pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa mga lokal na pamilihan . Isang ilusyon ang “ malayang kompetisyon ” sa pandaigdigan at lokal na industriya ng langis . Ang monopolyong pagpepresyo sa langis ay pagtatakda ng presyo sa pamilihan na malayong nakahiwalay sa aktwal na halaga ng produksyon nito . Noong 2008, nabunyag na halos 2/3 ng presyo ng bawat bariles ng krudo ay tubo ng mga monopolyong kumpanya . Sa bawat bariles ($92 noon sa pandaigdidang pamilihan ), umaabot lamang sa $10-12/ bariles ($3-4 sa eksplorasyon at $7-8 sa pagmimina at pagrepina ). Ang $13 ay mga “royalty” o kabayaran sa mga bansang pinagmiminahan nito tulad ng Saudi Arabia at mga bansa sa Middle East. Ang natitira ($67-69) ay tubo na ng mga kumpanya .

PowerPoint Presentation:

Pinalalaki nang pinalalaki ang supertubo ng mga monopolyo sa pamamagitan ng pagbababa ng gastos sa produksyon at artipisyal na pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan . Nagagawa ng mga monopolyo kapitalista na tuluy-tuloy na itaas ang presyo ng langis dahil pamalagiang malaki ang pamilihan nito . Taun-taon ay lumalaki nang 2.65% ang konsumo ng langis noong 1965-2010. Sa buong mundo , 33% ng produksyon ng enerhiya ay nakasalalay sa langis . Tinatayang umaabot sa $160 bilyon ang pinagkombi-nang tubo ng limang pinakamalalaking kumpanya sa langis noong 2011 ( katumbas ng 75% ng buong ekonomya ng Pilipinas ). Pinakamalaki ang tubo ng Exxon Mobil na umabot sa $41.1 bilyon (o P3.5 milyon kada minuto ). Nagkamal naman ang Royal Dutch Shell ng $28.6 bilyong tubo habang ang Chevron-Texaco ( punong kumpanya ng Caltex) ay kumita ng $26.9 bil -yon.

PowerPoint Presentation:

Presyo ng langis , muling nagtaas : Presyo ng langis , muling nagtaas Kasabay sa ikinakasang transport holiday sa buong bansa , nagtaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa kabila na hindi pa nakababangon ang mga motorista sa mga naunang bigtime oil price hike. Sa ganap na 6:00 ng umaga kahapon nang muling magpagtupad ng pagtaas sa presyo ng langis ang kompanyang Shell Pilipinas . Nasa P0.50 ang itinaas ng Shell sa premium at unleaded gasoline kada litro , P1.00 kada litro sa kerosene o gaas at P0.60 naman sa regular na gasolina . Kahit wala pang abiso ang iba pang kumpanya ng langis ay inaasahan na magsusunuran ang mga ito sa pagtaas ng kanilang presyo sa produktong petrolyo . Muli ring kinondena ng Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang walang prenong pagtaas sa presyo ng langis . Ayon kay PISTON National President George San Mateo na magiging mitsa ng malawakang kilos protesta ng mga manggagaawa at drivers nationwide ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at pagbasura sa 12% EVAT. Aniya , kapag wala nang magagawa ang Department of Energy (DoE) at Oil Deregulation Law sa tila moro – morong sa bigtime sa dagdag-bawas sa presyo ng langis , maging ang mga estudyante ay tiyak na sasama sa kilos protesta dahil apektado ang kanilang matrikula na wala ring preno ang pagtaas nito .

PowerPoint Presentation:

Ano ang solusyon sa pagtaas ng langis : Ano ang solusyon sa pagtaas ng langis Maraming paraan ang ginagawa ng gobyerno para hindi tayo gaanong maapektohan sa pagtaas ng presyo ng langis . Ilan sa mga ginagawa ng gobyerno ay ang pakikipag-ugnay sa pribadong sector sa pagtatanim ng jatropha at paghahanap ng makukunan ng langis sa loob ng bansa (oil explorations). Ang bawat mamamayan ay makatutulong dito sa pamamagitan ng hindi pag-aaksaya ng koryente .

PowerPoint Presentation:

Bakit tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ?: B akit tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ? Una sa lahat , dapat maintindihan na ang mundo ngayon ay kontrolado ng uring kapitalista kung saan ang laging ninanais ay magkamal ng tubo . Pangalawa , lahat ng mga gobyerno sa daigdig ay kontrolado ng at nagsisilbi para sa mapagsamantalang mga uri . Mula pa noong 1973 ay patuloy na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan . Ang mga “ pagbaba ” ng presyo ay nilamon lamang ng ilang dekadang pagtaas ng presyo nito . Mula pa noong huling bahagi ng 1960s ay nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo . Ang pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan ay epekto lamang ng tumitinding krisis ng sistema at hindi simpleng dahil sa pagiging ganid ng uring kapitalista sa tubo . Dahil sa krisis ay mas lalong humina ang kapitalistang produksyon na siyang sentral na pinagkukunan ng tubo ng mga kapitalista . Sapagkat mahirapan ng makakuha ng tubo sa produksyon ay nagkasya na lamang ang mapagsamantalang uri sa ispekulasyon . Ito ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis . Ang pangingibabaw ng ispekulatibong ekonomiya ay manipestasyon ng malubhang krisis ng sistema .

PowerPoint Presentation:

El Niño : El Niño Ang Oskilasyong Pantimog ng El Niño/La Niña (Ingles: El Niño/La Niña-Southern Oscillation o ENSO kapag pinaiksi ) ay isang katawagang naglalarawan sa isang likas na kaganapang nangyayari sa Karagatang Pasipiko . Tinatawag din itong El Niño at La Niña . Ang El Nino at La Nina ang mga salitang minsang matatagpuan kapag binaybay sa wikang Ingles para sa mga pangwikang Kastilang El Niño and La Niña . Sa Kastila , nangangahulugan ang El Niño na " batang lalaking maliit " at ang El Niña ay " batang babaeng maliit ". Ginagamit ang El Niño sa Kastila para ilarawan ang sanggol na Hesukristo ( katulad ng Santo Niño ). Ang El Niño na pinagmasdan noong 1997 ng TOPEX/Poseidon . Ang mga puting lugar sa mga tropikal na dalampasigan ng Timog at hilagang Amerika ay nagpapakita ng mga lugar kung saan mainit ang tubig . [1] Ang El Niño (literal na " ang batang lalaki ") ay isang gawi ng klima na nangyayari sa kahabaan ng tropikal na Karagatang Pasipiko na karaniwang nagyayari sa pagitan ng limang taon ngunit minsan ay nagyayari sa pagitan ng tatlo o hanggang pitong taon at sumakatuwid , malawak at makabuluhan , kilala bilang kuwasi peryodiko . Ang El Niño ay pinakakilala sa pagsasama nito ng mga baha , tagtuyot at ibang pag-iiba ng kalagayan ng kalangitan sa maraming mga rehiyon ng mundo na nag- iiba - iba ang bawat pangyayari . Ang mga hindi pa mauunlad na bansa na nakasalalay sa agrikultura o pagtatanim at pangingisda lalo na ang mga nasa Karagatang Pasipiko ay ang mga pinaka-apektado .

PowerPoint Presentation:

Sanhi at Bunga ng El Niño: Sanhi at Bunga ng El Niño Ang sanhi ng El Niño ay ang pag susunog natin ng fossel fuels, pag susunog ng plastic at styro na nkakasisira sa ozone layer na humaharang sa ultra violet rays ng araw . Dahil sa pagkasira nito , hindi na nababawasan ng ozone layer ang tindi ng init na dala ng araw kaya ang epekto ay matinding init na nakakasira sa kalikasan at matinding pagdurusa sa mga tao . Ang ultra violet rays ng araw ay nakakapagdulot ng skin cancer.

PowerPoint Presentation:

Epekto ng El Niño sa Agricultura : Epekto ng El Niño sa Agricultura A ng epekto ng el nino sa agrikultura ay natutuyo ang mga halaman , kulang ang tubig para madiligan ang mga halaman dahil dito magkakaroon ng konting produksyon at maaaring maging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga ito dahilsa kakulangan sa suplay . Ang suplay natin ng bigas ay magiging konti na lamang dahil nga sa kakulangansa tubig . Sa mga rancho din, komonti ang nakukuha nilang gatas mula sa baka , kung noon ay 8 na litro ngayon ay apat na litro na lamang .

PowerPoint Presentation:

Malalang Epekto ng El Niño: Malalang Epekto ng El Niño Posibleng mas malala pa sa inaasahan ang magiging epekto ng “moderate el Niño” na nararanasan sa bansa . Sa pagtaya ng National Food Authority, posibleng dagdagdan ng 800,000 tonelada ng bigas ang aangkatin ng pamahalaan ngayong taon kung lalala pa ang tagtuyot dulot ng el Niño. Sa kabuuan , posibleng umabot sa 3.2 milyong tonelada ng bigas ang angkatin , ngayong taon . Ayon naman kay Agriculture Undersecretary for Field Operations Joel Rudinas , maaring umabot sa sampung bilyong piso ang farm damage ng el Niño. Una nang sinabi ng pagasa na maaring tumagal hanggang Hunyo ang moderate el Niño.

PowerPoint Presentation:

Posibleng Maging Epekto ng El Niño sa mga Palayan , Pinaghahandaan na ng NIA : Posibleng Maging Epekto ng El Niño sa mga Palayan , Pinaghahandaan na ng NIA Pinag-iipon na ng tubig ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga dam na nagsusupply ng tubig sa mga pangunahing irigasyon sa bansa . Ito’y bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng El Niño Phenomenon sa last quarter ng taon hanggang sa dalawang unang buwan sa 2013. Ayon kay NIA Administrator Antonio Nangel , nakatutok sila sa lebel ng tubig sa mga dam lalo na ang Pantabangan Dam na siyang nag- susupply ng patubig sa 110 libong ektarya ng palayan sa Bulacan , Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac .

PowerPoint Presentation:

“ Mula ngayon hanggang October 31 kinakailangan ay magkaroon pa siya ng dagdag na 4 na metro para ma- accomodate niya yung 110,000 hectares na patutubigan natin sa tag- araw .” Pipili rin ang Department of Agriculture (DA) ng mga binhi na mabilis anihin at kayang tumagal sa panahon ng tagtuyot . Ayon sa NIA, aabot sa 20-40 porsiyento ang posibleng mabawas sa supply ng tubig sa mga palayan kung maaapektuhan ng El Niño.

PowerPoint Presentation:

Thanks for viewing 

authorStream Live Help