Mga Institusyon ng Pananalapi

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

By: sheenarose (9 month(s) ago)

hi, please allow me to use your presentation.thanks.

Presentation Transcript

ANG MGA INSTITUSYON SA PANANALAPI : 

ANG MGA INSTITUSYON SA PANANALAPI JOCELYN G. TAMARES Teacher I

Layunin: : 

Layunin: Naisa-isa ang mga uri ng bangko sa bansa; Natalakay ang tungkulin ng bawat isa; Nailahad ang mga iba pang institusyon ng pananalapi na hindi bangko.

Institusyong pinansiyal o institusyon sa pananalapi : 

Institusyong pinansiyal o institusyon sa pananalapi Tawag sa mga institusyon na may legal na kapangyarihan upang lumikha, kumontrol, magpakalat at magpautang ng pera.

Mga Uri Ng Bangko : 

Mga Uri Ng Bangko Pribadong Banko Bangkong Komersyal Savings Bank Bangkong Agrikultural Bangkong Rural Mga Natatanging Bangko Land Bank of The Philippines Development Bank of The Philippines Philippine National Bank

IBA PANG INSTITUSYON SA PANANALAPI : 

IBA PANG INSTITUSYON SA PANANALAPI GSIS SSS Pag-ibig Fund Bahay Sanlaan Mga Kompanya na Seguro

MGA PRIBADONG BANGKO : 

MGA PRIBADONG BANGKO

Bangkong Komersyal (Commercial Bank) : 

Bangkong Komersyal (Commercial Bank) Ito ang bangkong nakikipag-ugnayan sa mga nag-iimpok at mga kapitalista at negosyante. Nagpapahiram ito ng puhunan sa mga mangangalakal para sa pabahay, kotse at iba pa.

Savings Bank : 

Savings Bank Ito ang mga bangkong nagpapautang at impukan (loans and savings). Karaniwang programa nito ang magpautang at tumubo ayon sa itinakda ng batas.

Bangkong Agrikultural : 

Bangkong Agrikultural Pinaglilingkuran naman nito ang mga magsasaka o maliliit na manggagawa. Bangkong Rural Pokus nito ang mga bayan kung saan limitado lamang ang pinaglilingkuran.

MGA NATATANGING BANGKO : 

MGA NATATANGING BANGKO

Slide 11: 

Pangunahing layunin sa pagkakatatag nito ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya. Pangmatagalan ang pagpapautang dito at kadalasang umaabot sa 25 taon o higit pa. Development Bank of The Philippines

Land Bank of the Philippines : 

Land Bank of the Philippines Itinatag ito upang pondohan ang programa sa reporma sa lupa. Philippine National Bank Ito ang dating opisyal na bangko ng pamahalaan subalit ngayon, ginawa itong isang pribadong bangko. Bagaman mayroon pang saping-puhunan ang pamahalaan, hindi na ito sapat upang saklawan ang mga gawain o patakaran ng PNB.

MGA INSTITUSYONG HINDI BANGKO : 

MGA INSTITUSYONG HINDI BANGKO

Government Service Insurance System (GSIS) : 

Government Service Insurance System (GSIS) Ito ang ahensyang nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng gobyerno. Ito ang pinakamalaking kompanya ng seguro na pag-aari ng pamahalaan. Itinatag ito upang mangulekta sa mga kasapi ng buwanang kontibusyon bilang pag-iimpok sa kanilang pagreretiro sa serbisyo ng pamahalaan.

Social Security System : 

Social Security System Ito ang ahensyang nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya. Buwanan din ang kontribusyon dito

Pag-ibig Fund : 

Pag-ibig Fund Ito ang ahensyang nagpapautang para sa pabahay ng mga kasapi nito. Maaaring sumapi dito ang mga kawani ng gobyerno at ang mga kawani ng mga pribadong kompanya.

Mga bahay-sanglaan : 

Mga bahay-sanglaan Ito ang nagbibigay ng pautang na ang halaga ay batay sa bagay na isinasangla.

Mag Kompanya ng Seguro : 

Mag Kompanya ng Seguro Ito ang mga kompanyang nagbibigay ng segurong life at nonlife sa mga tao.