KABANATA 21

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

thakz

Comments

Presentation Transcript

KABANATA 21:

KABANATA 21 ANG PANGALAWANG PAG-UWI AT ANG LA LIGA FILIPINA

PowerPoint Presentation:

Ang matapang na pagbabalik ni Rizal sa Maynila noong Hunyo 1892 ay ang pangalawa niyang pag-uwi , ang una niyang pag-uwi mula sa pangingibang-bayan ay noong Agosto1887. Ito ang nagmarka ng muli niyang mapanganib na kampanya para sa mga reporma . Matatag ang kanyang paniniwalang ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng pilipinas ay pumasok sa bagong antas ; kailangan na itong ipaglaban mismo sa pilipinas , hindi sa Espanya . ‘’ Ang labanan ay nasa pilipinas ,’’ sabi niya sa mga kababayang nasa Europa , ‘’ Doon tayo dapat na magtagpo … doon tayo magtutulungan , doon tayo sama-samang magdurusa o magtatagumpay .’’ Pagkaraan ng dalawang buwan , noong Disyembre 31, 1891, ipinagdiinan niya ang ganitong paniniwala sa isang liham kay Blumentritt , ‘’ Ako’y naniniwalang ang La Solidardad ay hindi na ang lugar na siyang labanan ; ngayon ay isa na itong bagong pakikiipaglaban … ang labanan ay wala na sa Madrid.’’ Sa kanyang pag-uwi upang magbigay-daan sa isang kilusang repormista , tulad niya ay si Daniel ng Bibliya na makikipagsagupaan sa leong Espanyol sa sarili nitong kulungan .

Pagdating sa Pilipinas, Kasama ang Kanyang Kapatid na Babae :

Noong tanghali ng Hunyo 26, 1892, dumating sa Maynila si Rizal, Kasama ang kanyang balong kapatid na si Lucia ( maybahay ng yumaong Mariano Herbosa ). Metikuloso sa pagtatala sa kanyang talaarawan , inilarawan ni Rizal ang pangalawa niyang pag-uwi sa pilipinas : Niya o hindi , sinusubaybayan na ng mag espiya ng pamahalaan ang bawat ikinikilos niya . Ang mga bahay na binisita niya ay sinalakay ng mga Guardias Civiles at sinamsam ang mga sipi ng Noli at Fili at iba pang ‘’ subersibong ’’ babasahin . Pagdating sa Pilipinas , Kasama ang Kanyang Kapatid na Babae

Iba pang pakikipanayam kay Despujol:

Pagkaraang bisitahin ang mga kaibigan sa Gitnang Luzon, nagkaroon pa ng ibang pakikipanayam si Rizal kay Gobernador Heneral Despujol . Ang mga panayam na ito ay naitala sa kanyang talaarawan . Iba pang pakikipanayam kay Despujol

PowerPoint Presentation:

Noong Miyerkules ( Hunyo 29-Z), 7:30, nakipagkita ako sa kataas-taasan . Hindi ako nagtagumpay sa pakiusap na alisin na ang kaparusahang pagpapatapon , ngunit binigyan niya ako ng pag-asa kaugnay sa kalagyan ng aking mga kapatid na babae . Dahil pista ni San Pedro at San Pablo, ang aming panayam ay natapos ng 9:15 Babalik ako kinabukasan ng 7:30

PowerPoint Presentation:

Nang sumunod na araw , huwebes ( Hunyo 30), pinag-usapan namin ang tungkol sa Borneo. Hindi sang ayon dito ang heneral , matigas ang kanyang pagtutol . Sinabihan niya akong bumalik sa Linggo .

PowerPoint Presentation:

Noong Linggo ( Hunyo 3 –Z.) bumalik ako . Ping- usapan namin ang iba’t-ibang at pinasalamatan ko siya sa pag-aalis ng kaparusahang pagpapatapon sa aking mga kapatid na babae . Sinabi ko rin sa kanya na ang aking ama at kapatid na lalaki ay darating lulan ng unang barko . Tinanong niya ako kung gusto kong kong magpunta sa Hong Kong. Sinabi ko , ‘’ oo ’’. Pinabalik niya ako sa Miyerkules .

Pagtatatag ng La Liga Filipina:

Noong gabi ng Linggo , Hunyo 3, 1892, pagkaraan ng pakikipansayam niya noong umaga kay Gobernador Heneral Despujol , dumalo si Rizal sa isang pulong ng mga makabayan sa tahanan ng mestisong Tsino-Pilipinong si Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya , Tondo , Maynila . Naroon din sa pulong na iyon sina Pedro Serrano laktaw ( Panday Pira ), isnag Mason at guro ; Domingo Franco (Felipe leal ), isang Mason at tagpagbantay ng isang tidahan ng tabako ; Jose A. Ramos(Socorro), engrabador , tagpaglimbag , at may- ari ng Bazar Gran Britana , at unang Worshipful Master ng Nilad , ang unang sangay ng Mason sa Pilipinas ; Ambrosio Salvador, gobbernador silyo ng Quiapo at isa ring Mason; Bonifacio Arevalo ( Harem), dentista at Mason; Deodato Arellano, bayaw ni M.H. del Pilar ang silbilyang empleyado ng sandatahang-lakas ; Ambrosio Flores ( Musa), retiradong tenyente ng impanteriya , Agustin de la Rosa, tenedor -de- libro at Mason; Moises Salvador ( Araw ), kontratista at Mason; Luis Villareal ,( Ilaw ), parmasiyutiko at Mason; Mariano Crisostomo , maylupa Numeriano Adriano ( Ipil ), notaryo at Mason; Andres Bonifacio , bodegero ; apolinario Mabini ( Katabay ), abogado at Mason; at Juan Zulueta , mandudula , makata , at empleyado ng gobyerno . Pagtatatag ng La Liga Filipina

PowerPoint Presentation:

Ang Konstitussyon ng La Liga Filipina. Ag mga layunin ng La Liga Filipina, gaya ng isinasaad ng Konstitusyon nito , ay ang mga sumusunod ;

PowerPoint Presentation:

1. Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo , malakas , at magkakauri . 2. Proteksiyon ng bawat isa parasa pangangailangan ng bawat isa . 3. Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarugan . 4. Pagpapaunlad sa edukasyon , agrikultura , at pangangalakal . 5. Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago .

Ang motto ng La Liga Filipina ay: Unus Instar Omnium (Bawat isa’y katulad ng lahat.):

Ang lupong tagapangasiwa ng liga ay ang Kataas-taasang Konseho na may kapangyarihan sa buong bansa . Binubuo ito ng Konsehong Panlalawigan sa bawat probinsiya at isang Konsehong Popular sa bawat bayan . Ang motto ng La Liga Filipina ay: Unus Instar Omnium ( Bawat isa’y katulad ng lahat .)

PowerPoint Presentation:

Lahat ng Pilipinong may pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ay maaaring maging miyembro . Bawat miyembro ay magbibigay ng paunang bayan na dawalang piso at buwanang kontribusyong 10 sentimos

Ang ma tungkulin ng mga miyembro ng liga ang mga sumusunod: :

1.) Sundin ang mga utos ng Kataas-taasang Konseho ; 2.) Tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro ; 3.) Mahigpit na panatilihing lihim ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga ; 4.) Magkaroon ng ngalang-sagisag na d maaring palitan hanggang di nagiging pangulo ng kanyang konseho ; 5.) Iulat sa piskal ang anumang maririnig na makaaapekto sa Liga 6.) Kumilos na matwid na siyang dapat dahil siya’y mabuting pilipino , at 7.) Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras . Ang ma tungkulin ng mga miyembro ng liga ang mga sumusunod :

authorStream Live Help