Slide 2:
Pakikipag debate o Pagtatalo Ito ay ang pagbibigay ng gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit pang panig hinggil sa isang makabuluhang paksa o isyu . Ito ay maaaring pormal o di pormal na pagtatalo . Ang pagtatalo ay hindi isang uri ng pag-aaway sapagkat ito’y pagpapaliwanag lamang ng mga katwiran ng bawat panig na maaaring gawaing pasulat o pasalita .
Slide 3:
Mga kailangan sa mabuting pagtatalo : Paggamit ng iba’t ibang metodo o pamamaraan ng pagsusuri sa mga katwiran o patunay Pagbibigay ng iba’t ibang uri ng mga patunay o ebidensya Pagkakaroon ng maingat , maayos at mabisang paglalahad ng mga katwiran Pagiging matalas ng isipan sa paglalahad ng maling pangangatwiran at pagiging mabilis sa pagharap sa ganting matuwid Pagkakaroon ng kapinuhan at butihing-asal Paggalang sa katalo at sa nakikinig Pagkakaroon agad ng pagkakasundo hinggil sa kahulugan ng paksang tatalakayin na marahil higit na mainam sa simula pa lamang
Slide 4:
May dalawang uri ito : 1 ) ang pagtatalong impormal – ito ang pagtatalong di pinaghandaan na kung saan ang bawat panig ay maaring magsalita kailan man niya gustuhin . Walang takdang oras sa kanilang pagsasalita . 2) Ang pagtatalong pormal – Ito ay ang pagtatalong may dalawang lehitimong panig , ang salungat at ang panig na sang- ayon . Ito'y pinaghahandaang mabuti at ipinaalam ng mas maaga sa madla .
Slide 5:
Ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme). Isa itong uri ng pagtatalo ng dalwang magkaibang panig ukol sa isang paksa . Balagtasan
Slide 6:
Ano ang pangkatang talakayan ? Ito ay sama-samang paglutas ng isang usapin o napapanahong suliranin . Ito rin ay nagpapalitan ng opinyon o kuro-kuro tungkol sa isang paksang pinag-uusapan
Slide 7:
Ang mga uri ng texto ay ang mga sumusunod : 1. Informative o pagpapabatid ng kaalaman 2. Narrative o pagsasalaysay 3. Expository o paglalabas ng katotohanan 4. Descriptive o paglalarawan 5. Argumentative o pakikipagtalo 6. Persuasive o paghihikayat 7. Procedural o may sistemang sinusunod