nuclear medicine powerpoint

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

NUCLEAR MEDICINE:Makabago at epektibong pamamaraan upang malunsan ang iba’t ibang uri ng sakit : 

NUCLEAR MEDICINE:Makabago at epektibong pamamaraan upang malunsan ang iba’t ibang uri ng sakit

Ang Suliranin at Kaligiran Nito : 

Ang Suliranin at Kaligiran Nito ang nuclear medicine ay isang sangay ng medisina na tumuturing, nag iimbistiga at gumagamot ng mga sakit sa pamamagitan ng mga tinatawag na radioactive chemical elements. Ito ay ginagamitan ng mga radioactive materials at radioisotopes para makatulong sa paggamot ng mga sakit

Slide 3: 

Ang mga dalubhasa sa sangay na ito ay gumagamit ng mga ‘painless’ at epektibong pamamaraan upang makakuha ng tamang imahe ng katawan kung saan ito ay kanilang gagamutin gamit ang mga radioactive materials. Dahil sa nuclear medicine imaging, natutukoy at nakakapagpabigay impormasyon ang mga doktor tungkol sa tiyak na istraktura at estado ng sakit. Maaari rin itong makatulong sa mga taong nais o kailangang dumaan sa proseso ng surgery, diagnostic tests, o mga simpleng gamot pampagaling ng sakit

Slide 4: 

Ang nuclear medicine imaging din ay nakakatulong sa pagtutukoy ng mga abnormalities sa katawan bago pa ito lumala Madaming pamamaraan at gamit ang nuclear medicine imaging tulad ng pagsusuri mabuti sa gamit ng kidney, kung tama ba ang paggalaw ng puso, kung ang lungs ba ay mayroong problema sa pagdaloy ng hangin, o kung may mga problema pa sa iba pang bahagi ng katawan

Slide 5: 

Sa radioactive iodine therapy, inaatasan ang pasyente na uminom ng isang gamut na naglalaman ng radioactive iodine, kung saan ito ay inaabsorb ng thyroid gland at sinisira ang mga cancer cells na nakapaloob dito Ang Gamma camera ay isang klase ng camera na nakalagay sa loob ng isang bakal at may kakayahang matukoy ang radiation sa loob ng katawan at kumuha ng mga imahe mula sa iba’t ibang anggulo ng katawan

Slide 6: 

May pagkakatulad ito sa Computed Tomogrpaphy Scan o, mas kilala bilang CT scan. Sa di kalayuan ay may makikitang kompyuter kung saan ito ay tumutuloy sa paglalahad ng mga imahe base sa mga datos na nakuha mula sa gamma camera. Sa paggamit lamang ng isang ordinaryong x-ray, may mga imahe na mabubuo sa pamamagitan ng radiation mula sa isang source na dadaan sa ating katawan papunta sa isang film kung san dito nabubuo ang imahe

Slide 7: 

Sa kabaliktaran, ang nuclear medicine ay gumagamit ng radioactive materials na mas kilala sa tawag na radiotracer. Ang gamma camera, PET scanner, o probe ang nagdedetect ng enerhiya at idinidiretso sa isang kompyuter na naglalabas ng mga imahe kung saan ang detalye o impormasyon ukol sa istraktura at gamit ng isang parte ng katawan. Pwedeng ilang oras hanggang ilang araw para ung radiotracer ay mag-aaccumulate sa parte ng katawan na inieksamin

Slide 8: 

Ung resolution ng structures ng katawan gamit ay nuclear medicine ay hindi gaano kaliwanag katulad ng ibang imaging techniques like CT scan and MRI

Paglalahad ng Suliranin : 

Paglalahad ng Suliranin

Layunin at Kahalagan ng Pagaaral : 

Layunin at Kahalagan ng Pagaaral

Batayang Konseptwal/ Teoretical : 

Batayang Konseptwal/ Teoretical Ang radionuclide ay isang atom na merong unstable na nucleus na meron sobrang enerhiya na maaaring gamitin upang makipag communicate sa isang bagong gawang radiation particle sa loob ng nucleus o sa isang atomic electron Ang mga radionuclide na ginagamit sa nuclear medicine ay may dalawang mahahalagang gamit

Slide 12: 

Ang radioisotope naman, tulad ng radionuclide, ay wala ring stable na nucleus at nag-eemit ng radiation habang ito ay nagde-decay hanggang sa ito ay maging stable Ang radioactive tracer, o mas kilala bilang radiotracer, ay isang substance na naglalaman ng isang radioisotope

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral : 

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Kahulugan ng mga Katawagan : 

Kahulugan ng mga Katawagan Nuclear Medicine – isang sangay ng medisina na gumagamit ng radionuclides sa pagtutukoy at panggagamot ng mga sakit Radionuclide – nuclide na may artipisyal o natural na origin at nag-eekshibit ng radiation Radioisotope – isang radioactive na isotope na kadalasang ginagamit sa piskal at bayolohikal na research at therapeutics

Slide 15: 

Radiotracer – isang radioisotope na ginagamit bilang isang tracer Kanser – sakit na may kaukulang mga tumor o paglaki ng isang bahagi ng katawan dala ng paglaganap ng cancer cells sa katawan Cancer cell – cell na parte ng tumor Gamma ray – elektromagnetik radiation na ineemit ng pagkakaroon ng radioactive decay na may enerhiyang hindi kumukulang sa sampung libong boltahe at hindi lumalagpas ng sampung milyong boltahe

Slide 16: 

Radioactive decay – ang pag dis-iintigreyd ng isang radionuclide kasabay ng pag emit ng isang ionizaing radiation sa pamamagitan ng alpha o beta particles o kaya ng gamma ray

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral : 

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Evolution of Nuclear Medicine Training: Past, Present, and Future Since the official inception of nuclear medicine in 1971, the practice of nuclear medicine and its training programs have undergone major revisions Training programs have evolved from an unstructured experience before 1971 to 2 y of nuclear medicine training after 2 clinical years, to 2 y of nuclear medicine training after 1 clinical year and, most recently, to 3 y of nuclear medicine training after 1 clinical year

Slide 18: 

The most substantial content changes in the new 2007 training program requirements are an increased emphasis on 6 clinical competencies, an increased emphasis on Nuclear Regulatory Commission requirements, and a new CT training requirement that was spawned by the advent of PET/CT Nuclear medicine is gradually evolving into molecular imaging

Nuclear Medicine Technology : 

Nuclear Medicine Technology Nuclear medicine technology is the medical specialty concerned with the use of safe and small amounts of radioactive material for diagnostic, therapeutic, and research purposes Nuclear medicine allows for early detection that can result in more effective treatments and better prognosis

Slide 20: 

Nuclear medicine imaging techniques combine the use of radioactive substances, detectors, and computers to provide physicians with a way to see inside the human body Nuclear medicine technologists are highly skilled individuals who work closely with nuclear medicine physicians In nuclear medicine, radioactive materials, or radiopharmaceuticals, are used to diagnose and treat disease

Slide 21: 

Nuclear medicine technologists also perform radioimmunoassay studies. These studies assess the behavior of a radioactive substance inside the body.

Pamamaraan : 

Pamamaraan Upang magkaroon ng pangunahing kaalaman ang mga mananaliksik tungkol sa nuclear medicine, sila ay nagsagawa ng riserts kung saan mga libro at internet ang kanilang naging batayan sa pagkuha ng mga impormasyon. Nagsagawa rin ng isang pakikipanayam ang mga mananaliksik kay Dickerson Moreno, Doktor ng Pilosopiya sa Nuclear Engineering

Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ng Datos : 

Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ng Datos

Interbyu : 

Interbyu Kinapanayam: Dr. Dickerson Moreno Tagapanayam: Martin M. Dionson at Arthur Macogay III Oras, Petsa at Lugar ng Interbyu: 5:30 ng hapon noong March 26, 2008 sa Physics Faculty Room

Paglalagom, Konklusyon, at Rekomendasyon : 

Paglalagom, Konklusyon, at Rekomendasyon Ang nuclear medicine ay isang sangay ng medisina kung saan gumagamit ng mga radioactive chemical elements upang suriin at lunasan ang iba’t ibang uri ng sakit. Madalas nagkakaron ng miskonsepsyon ang madla kapag naririnig ang nuclear medicine, ang kanilang inisyal na ideya dito ay delikado sapagkat ito ay ginagamitan ng radiation

Slide 35: 

Upang mapaglalim ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagriserts ng mga pag-aaral tungkol sa nuclear medicine na isinagawa sa ibang bansa. Nagpakalat din ng mga sarbey ang mga mananaliksik upang malaman kung may sapat na impormasyong taglay ang mga tao sa nuclear medicine, ang sarbey ay pinamigay lamang sa loob ng pamantasan ng De La Salle Manila.

Slide 36: 

Ito ay may kamahalan kung ikukumpara sa regular na panggamot Ang radiation na ginagamit sa nuclear medicine ay hindi nakakasama sa kalusugan ng isang pasyente hanggat ang natatanggap niyang radiation ay angkop at nababagay sa kanyang sitwasyon Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa nuclear medicine ng madla ay dahil sa kakulangan ng mga babasahin o media na magpapakilala ng nuclear medicine sa mga tao ng lubusan