VARAYTI

Views:
 
Category: Entertainment
     
 

Presentation Description

No description available.

Comments

Presentation Transcript

Tukuyin kung saang lalawigan sila nagmula?:

Tukuyin kung saang lalawigan sila nagmula?

VARAYTI NG WIKA:

VARAYTI NG WIKA Itinuturing na higit na masaklaw na konsepto ng wika Homojinyus ang wika, ibig sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng wika, ngunit nagkaroon ng pagkakaiba habang lumalaganap ang paggamit nito sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Mga varayti ng wika:

Mga varayti ng wika 1. DAYALEK – Pagkakaiba – iba sa tono, bigkas at paggamit ng wika HALIMBAWA : Wikang Tagalog, may dayalek na : 1. Tagalog - Bulacan 2. Tagalog – Batangas 3. Tagalog – Maynila 4. Tagalog – Nueva Ecija 5. Tagalog – Rizal, atb.

Slide 4:

one person house dog coconut day new Pangasinan sakey too abong aso niyog agew balo Ilokano maysa tao balay aso niog aldaw baro Ivatan asa tao vahay chito niyoy araw va-yo Ibanag tadday tolay balay kitu niuk aggaw bagu Gaddang antet tolay balay atu ayog aw bawu

2. Idyolek :

2. Idyolek Tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao May iba’t ibang salik na napapaloob kung bakit ito nagaganap tulad ng : *Gulang *Kasarian *Hilig o interes *Istatus sa lipunan

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng idyolek::

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng idyolek: Hah! Madaming konyo din sa UP. Nagpapanggap lang down to earth dahil nasa govt-funded school sila at may kakilala silang making tuhog da pishbols. Yun bang nagda-dialogue ng “You know pare I couldn't play polo last night. My horse died kasi eh. Or 'kaiinis talaga my driver. was making tulog at 4am when i wanted to go home na.' Or “Oy, stones stones in heaven, if you get hit, don't make galit!”; Or I saw Inez and Gia kanina and they didn't want to make me pansin.”

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng idyolek::

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng idyolek: Romantic love. Medyo matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit iyun sa bokabularyo ko. Ang tagal ko na ring 'di nararamdaman ang muling mahulog sa patibong ng pag-ibig. Kailan na nga ba ko huling na-in love? Fourth year college. Taong 2000. Kay pat pa. si pat na nagka-crush din sa akin ng isang buwan. Take note, isang buwan. Si pat na ngayon, eh maligaya na sa piling ng kanyang pinakamamahal na kababata. Masaya ako para sa kanya. Pramis. Mukha lang hindi, pero masaya talaga ko para sa kanya. Susme. Magli-limang taon na palang tigang sa pag-ibig ang puso ko. Ano na nga ba ang pakiramdam ng ma-in love?

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng idyolek::

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng idyolek: Dyornal 3:54 PM 2/20/2005 Walang hiya...nasira na naman ang aking hardisk. Nabura yung mga magagandang music na nakopya kay Felix. Stupidd... Walang hiya, yung mga journal ko ay nabura din. Mabuti na lang at nailagay ko yung mga mahahalaga sa net. Talagang ayaw ko ng magsave dito sa hardisk na ito. Naiiyak na naman ako. Bat kasi may sira yung hardisk. Mas maganda pa kung ang gamit ko ay simpleng computer na matino. Malas talaga ang buong buwan ko pagkatapos ng pasko. Lahat na lang ng nagyayaring masama ay pure extremes. Simula ng bago kong journal. Bakit dati ay masaya lang pag nasa harap ako ng PC. Parang mabubuhay ako ng ito lang ang kaharap ko. Nagkamali ako kasi wala na siya. Hindi ko mabuksan yung isang profile folder. Nandun yung iba kong journal. Sana may net na lang para sa net ay mas safe magstore. Mabuti na lang at nakasurvive yung mga videos at pictures kong nakuha. Dapat ay magbackup na ako. Kailan uli kaya ako makakanakaw ng music. Karma NA naman

3. Sosyolek:

3. Sosyolek Sinasalita ng mga tao sa isang lipunan Grupo ng ibat-ibang uri o klasificasyon ng mga mamamayan *Wika ng mga dukha *Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng sosyolek ::

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng sosyolek : HALIMBAWA , TARGET NATIN NOONG ISANG TAON: DALAWANDAANG LIBONG EKTARYA PARA SA LAND REFORM. NAKAMIT NATIN: DALAWANDAAN AT LIMPAM PUNG LIBONG EKTARYA. CONGRATULATIONS SA MGA PROVINCIAL TOPNOTCHERS: NEGROS OCCIDENTAL, AT SULTAN KUDARAT, ITONG MGA PROBINSIYA BAWAT ISA AY MAY HIGIT PITONG LIBONG EKTARYA. TARGET NATIN: DALAWAMPUNG BILYONG PISO PARA SA MODERNISASYON NG AGRIKULTURA. NAKAMIT NATIN: DALAWAMPU'T APAT NA BILYON. TARGET NATIN: SANDAAN AT LIMAMPUNG LIBONG PAMILYANG MARALITANG TAGALUNSOD NA MAKATITIYAK SA LUPANG TINITIRIKAN. NAKAMIT NATIN: SANDAAN AT WALUMPUNG LIBO..

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng sosyolek ::

Halimbawa ng artikulong nagpapakita ng sosyolek : "Palihug lang. Gamay na lang ang paglaum na mabuhi. Wa na’y tubig, luya na kaayo ko. (Pakiusap lang. Kaunting-kaunti nalang ang pag-asa kong mabuhay. Wala nang tubig, hinang-hina na ako.) Dalian ang pag-rescue," kauna -unahang text message na natanggap ng Task Force Libreng Tawag sa munisipyo. Sa isang hindi nakikilalang biktima pinaniniwalaang nagmula ang text na natanggap dakong alas-7:45 ng umaga kahapon. May ilang mensahe sa text na nagsasabing pinapasok na ng tubig at putik ang kanilang kinalalagyan kaya’t nakikiusap ang mga ito na madaliin ang pag-rescue sa kanila bago sila tuluyang malunod at malibing sa putik. Sa kasamaang palad, wala isa man sa kinaroroonan ng mga texters ang matagumpay na natagpuan at nahukay kahapon sa maghapong pagsisikap ng mga sundalo at ilang civilian volunteers.

VARYASYON NG WIKA – uri ng wikang ginagamit ng isang tao ayon sa sitwasyong kinalalagyan niya.:

VARYASYON NG WIKA – uri ng wikang ginagamit ng isang tao ayon sa sitwasyong kinalalagyan niya. Palit – koda – pagsasama – sama ng dalawa o mahigit pang makahulugang pahayag na nabibilang sa dalawang sistema ng wika. Hal. “I believe na hindi lang tayong mga tao ang nakatira sa universe.” Halong – koda – may nahahalo o nasisingit na salita mula sa ibang wika. Hal. “Germs. Kapag hindi natin naagapan, dadapo ang sakit.” Register – paraan kung paano ginagamit ng tao ang wika. Hal. Iba’t ibang paraan ng pakikipag – usap ni PGMA sa kanyang mga nasasakupan. kay Usec. Fe Hidalgo : “You don’t put your boss in hot water in public!” sa mga rebelde : “Let us wage an all out war against the New People’s army!” kay dating Comelec Commissioner Garcillano : “Hello, Garci!” sa taumbayan : “I am sorry!” kay Mayor Fernando : “Ipamigay mo ‘yan sa iba!”

authorStream Live Help