likas yaman noon at ngayon

Views:
 
Category: Education
     
 

Presentation Description

good for 1 year high school students of PCS

Comments

By: themanwhocannotb (8 month(s) ago)

Pa download kuya

Presentation Transcript

Slide 1:

ANG PILIPINAS bilang “PERLAS NG DAGAT SILANGAN at “HARDIN NG PASIPIKO ”

Slide 2:

Kalikasa'y ingatan, para sa ating kaunlaran .

Slide 3:

Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman tulad ng mineral, halaman , hayop , mga kayamanang dagat , mga pinagmumulan ng enrhiya , at ang mga magagandang tanawin . Nakakukuha tayo ng mga produkto mula sa likas na yaman . Nakagagawa rin tayo ng iba’t ibang produksyon mula sa mga likas na yaman tulad ng mga kagamitan at makinarya na magagamit sa paglikha ng iba’t ibang bagay .

Slide 4:

ang pinakamahalaga sa lahat ng likas yaman nakikinabang at kailangang pangalagaan ang mga likas yaman YAMANG TAO

Slide 5:

Ang Pasig River DATI NGAYON Likas Yaman Noon at Ngayon

Slide 6:

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran. Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog. Pero ngayon tayo ay namumuhay sa isang kalikasan na animoy bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na kapaligiran. Pansinin ninyo angating ilog, ’di ba’t napakarumi na nito? Ang mga mapang-abusong tao ay ginagawang tapunan ng mga basura ang ating ilog. ‘Yan ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin ngayon.

Slide 7:

Ang DENR(Department of Environment and Natural Resources) ay ang pangunahing sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa mga likas na yaman ng Pilipinas . Ang tamang pangangalaga ng mga likas na yaman ay magdudulot ng pag-unlad sa bansa at kasaganaan ng mga mamamayan .

Slide 8:

Ang Pilipinas ay isang bansang kilala dahil sa samu’t-saring mga halaman at hayop na likas na naninirahan dito . Marami ding mga hayop na nakalista na may kakaunti na lamang na bilang at nasa panganib na tuluyang mawala ay matatagpuan sa Pilipinas . Kilala rin ang mga katubigan sa Pilipinas bilang tahanan ng napakaraming uri ng mga yamang-dagat . Dahil dito ay napakahalagang magkaroon ng maraming mga batas na naglalayong panatilihin ang proteksyunan ang mga likas na yaman ng kalikasan sa Pilipinas .

Slide 9:

“Coral Resources Development and Conservation Decree” naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas. Mga Batas Ukol sa Pangangalaga ng Kalikasan

Slide 10:

Ang Republic Act 428 ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.

Slide 11:

RA 9275 o “Philippine Clean Water Act” Bilang tugon dito , isinasaad ng Philippine Clean Water Act na kailangang magbuo ng mga plano tungo sa pangmatagalan at pangmalawakang paghadlang sa pagdumi ng mga katubigan sa Pilipinas at pagtukoy at paglinang ng mga magandang alternatibo sa mga gawaing kilala bilang sanhi ng polusyon sa katubigan .

Slide 12:

Ang Philippine Clean Air Act ay naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan.  Kasama sa batas na ito ang pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawaksi ang mga sanhi ng maduming hangin at maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang polusyon sa hangin.

Slide 13:

PD 705 o “Revised Forestry Code” Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas . Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin , pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng puno .